Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Uncle Peping nagmamaasim pa rin sa gobyerno ni Pangulong Duterte (Rizal Memorial gustong ibenta)

HINDI natin lam kung nagde-dementia na ba si Jose “Peping” Cojuanco Jr., ng Philippine Olympic Committee (POC) at nalilimutan niyang hindi na ang pamangkin niyang si Noynoy ang presidente ng bansa.

Paalala lang po Uncle Peping, si Pangulong Digong na po ang presidente ngayon.

Hanggang nagyon pala ay nagpupumilit si Uncle Peping na ibenta na sa pribadong sektor ang Rizal Meomorial Sports Complex (RMSC) kahit na ito ay isang national historical landmark.

Ipinamukha ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na ang nasabing propriedad ay hindi maaaring ibenta ng POC, Philippine Sports Commission (PSC) at ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil ang ultimong layunin nito ay nakaukol sa sports.

120516-rizal-sports-complex-money

At iyon din ang layunin kaya ipinagkaloob ni Don Hermogenes Vito Cruz sa pamahalaan ang nasabing lupain — para sa mga manlalarong Filipino.

Bukod sa deklarason ng NHCP, nakapagtataka rin umano na bakit nakikialam sa propriedad ng gobyerno ang isang private individual at ni hindi elected official ng pamahalaan?

At kung maibenta sa pribadong sektor na mukhang pinagkakitaan pa, ililipat daw sa Tarlac sa Hacienda Luisita ang nasabing sports complex.

Wattafak!

Ibang klase ka talaga Uncle Peping! Kikita na sa bentahan, kikita pa sa itatayong sports complex.

Wala talagang katigil-tigil at panggigigil sa salapi ng bayan.

Wala ba talagang gagawin itong sina Uncle Peping ng POC at Archie Garcia ng PSC kundi katasin nang katasin ang mga pondo, gusali at institusyon para sa mga manlalarong Filipino?!

Hindi ba talaga kayo titigil hangga’t hindi nangyayari ang mga gusto ninyo?!

Aba hoy, moderate your greed naman!

TUITION HIKE, BUILDING FEE
NG PWU-JASMS INALAMAHAN
NG MGA MAGULANG

IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University - Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)
IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University – Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)

UMALMA na ang mga magulang ng mga mag-aaral sa Phillipine Women’s University-Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) sa Quezon City dahil sa itataas na matrikula at pagpa-pataw ng building fee sa mga estudyante sa darating na pasukan.

Sa pulong ng JASMS Parents Association (JPA) nitong Sabado, humingi sila ng tulong sa media na iparating sa mga kinauukulang awtoridad ang kanilang hinaing partikular ang P3,000 tuition fee increase at P7,500 building fee na ipinapataw ng school management kada isang estudyante.

Ayon kay JPA President Vicente Pijano III, bumili ng lupa at gusali ang pamununan ng PWU-JASMS para gawing eskuwelahan kapalit ng kasalukuyang paaralan nila na nakatayo sa EDSA, Quezom City dahil nailit na ito ng Tangco group (STI).

Ang biniling lupa at gusali ang magiging bagong paaralan ng PWU-JASMS sa Congressional Ave., sa naturang lungsod na nagkakahalaga ng P150 milyon at ito ay babayaran nang hulugan.

Kaya kahit walang konsultasyon sa mga magulang, nakatakda nang ipatupad ang ‘surcharge’ sa darating na enrollment para umano may panghulog sa nabiling property at sa reconstruction ng gusali.

Wattafak!

Tumututol ang mga magulang sa building fee dahil hindi makatuwiran na sila ay singilin gayong hindi naman sila kasosyo ng PWU-JASMS.

Tatlong taon na ang nakararaan, nag-um-pisang tumutol ang JPA sa plano ng PWU at STI na itayo ang mall at paaralan sa orihinal na lokasyon nito sa EDSA.

Inihain ito sa korte at naging bahagi ng amicable settlement ang kasunduan na isuko o ibigay ng PWU sa STI ang EDSA property bilang “dacion en pago” o kabayaran.

Hiniling ng school management sa mga magulang na balikatin nila ang pagbabayad sa bagong biling lupa at gusali sa pamamagitan ng taas na P3,000 sa tuition fee at P7,500 building fee kada estudyante sa kasalukuyang school year at sa mga susunod pa.

Tumutol ang mga magulang dahil mabigat na pasanin ito para sa kanila pero lalo silang nabigo nang aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang kahilingan ng PWU sa loob lamang ng 10 araw.

Umapela ang JPA sa DepEd na ipinasa sa DepEd NCR pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na kasagutan.

Hiniling din ng JPA na magsagawa ng structural studies upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa nasabing gusali sa bagong lokasyon.

Nangangamba ang mga magulang na ma-lagay sa panganib ang kanilang mga anak dahil sa integridad ng gusali na papasukan ng halos 600 batang estudyante na ang 100 sa kanila ay may espesyal na pangangailangan.

Tsk tsk tsk…

Paging DepEd!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *