Friday , December 27 2024

Tuition hike, building fee ng PWU-JASMS inalamahan ng mga magulang

IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University - Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)
IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University – Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)

UMALMA na ang mga magulang ng mga mag-aaral sa Phillipine Women’s University-Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) sa Quezon City dahil sa itataas na matrikula at pagpa-pataw ng building fee sa mga estudyante sa darating na pasukan.

Sa pulong ng JASMS Parents Association (JPA) nitong Sabado, humingi sila ng tulong sa media na iparating sa mga kinauukulang awtoridad ang kanilang hinaing partikular ang P3,000 tuition fee increase at P7,500 building fee na ipinapataw ng school management kada isang estudyante.

Ayon kay JPA President Vicente Pijano III, bumili ng lupa at gusali ang pamununan ng PWU-JASMS para gawing eskuwelahan kapalit ng kasalukuyang paaralan nila na nakatayo sa EDSA, Quezom City dahil nailit na ito ng Tangco group (STI).

Ang biniling lupa at gusali ang magiging bagong paaralan ng PWU-JASMS sa Congressional Ave., sa naturang lungsod na nagkakahalaga ng P150 milyon at ito ay babayaran nang hulugan.

Kaya kahit walang konsultasyon sa mga magulang, nakatakda nang ipatupad ang ‘surcharge’ sa darating na enrollment para umano may panghulog sa nabiling property at sa reconstruction ng gusali.

Wattafak!

Tumututol ang mga magulang sa building fee dahil hindi makatuwiran na sila ay singilin gayong hindi naman sila kasosyo ng PWU-JASMS.

Tatlong taon na ang nakararaan, nag-um-pisang tumutol ang JPA sa plano ng PWU at STI na itayo ang mall at paaralan sa orihinal na lokasyon nito sa EDSA.

Inihain ito sa korte at naging bahagi ng amicable settlement ang kasunduan na isuko o ibigay ng PWU sa STI ang EDSA property bilang “dacion en pago” o kabayaran.

Hiniling ng school management sa mga magulang na balikatin nila ang pagbabayad sa bagong biling lupa at gusali sa pamamagitan ng taas na P3,000 sa tuition fee at P7,500 building fee kada estudyante sa kasalukuyang school year at sa mga susunod pa.

Tumutol ang mga magulang dahil mabigat na pasanin ito para sa kanila pero lalo silang nabigo nang aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang kahilingan ng PWU sa loob lamang ng 10 araw.

Umapela ang JPA sa DepEd na ipinasa sa DepEd NCR pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na kasagutan.

Hiniling din ng JPA na magsagawa ng structural studies upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa nasabing gusali sa bagong lokasyon.

Nangangamba ang mga magulang na ma-lagay sa panganib ang kanilang mga anak dahil sa integridad ng gusali na papasukan ng halos 600 batang estudyante na ang 100 sa kanila ay may espesyal na pangangailangan.

Tsk tsk tsk…

Paging DepEd!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *