Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Encantadia, sumuko na sa FPJ’s Ang Probinsyano

SUMUKO na ang Encantadia sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil tatlong linggo na lang pala ito at papalitan na raw ng Mulawin.

Hindi na kinayang tapatan pa ng fantaserye ng GMA 7 ang aksiyon-serye ni Coco Martin na aabutin pa hanggang 2018.

Ang pabirong sabi sa amin kaya magtatapos na ang Encantadia, ”gustong-gusto nang lumipad ni Mulawin, ha, ha, ha.”

Umabot naman daw ng 44 weeks o 11 months ang Encantadia sabi sa amin, ”neck to neck naman sila ng Probinsyano sa ratings,” say sa amin.

Parang hindi naman yata, ‘di ba ateng Maricris dahil ang alam namin ay laging panalo ang FPJAP at bihirang makalamang ang fantaserye ng Siete.

At naniniwala kaming mas pinanonood ng tao ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil bukambibig ng lahat kapag umeere na dahil nagagalit sila sa mga kaaway ni Cardo Dalisay.

Anyway, abangan natin ang Mulawin kung kasing taas ng paglipad ng ratings ngProbinsyano ang lipad niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …