Friday , November 15 2024

Ang Dakilang Araw ng mga manggagawa

IPINAGDIRIWANG sa buong daidig ngayong araw na ito, Mayo Uno, ang Dakilang Araw ng mga tunay na gumagawa ng yaman ng bansa, ang mga manggagawa.

May palagay ako na inaakala ng marami sa atin na mga komunistang Ruso o Intsik ang nagpaumpisa ng ganitong tradisyon sa daigdig ngunit tiyak ko na magugulat kayo dahil ang araw na ito ay pamana sa mundo ng mga ordinaryong manggagawang Amerikano.

Mayo Uno ng taong 1886 sa lungsod ng Chicago sa Amerika nang unang magtipon ang libo-libong mga ordinaryong manggagawang Amerikano upang hilingin sa pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag na walong oras na trabaho sa maghapon o “eight hour a day work.”

Pinagbabaril ng mga pulis ang mga kumikilos na manggagawa na nauwi sa pagkamatay ng apat at pagkasugat ng marami pang iba. Imbes a matakot ang mga kumikilos ay sinundan pa nila ang kanilang mga pagkilos na nauwi sa tinatawag na Haymarket incident noong ika-3 ng Mayo na may nagpasabog ng bomba, na naging dahilan ng kamatayan ng pitong pulis at limang manggagawa.

Hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog ngunit ang napagbintangan noon ang mga manggagawa. Sa kabila ng kasalatan ng ebidensiya, anim sa mga manggagawa, na sinasabing mga anarkista, ang binitay ng estado.

Naging kontrobersiyal sa buong mundo ang pangyayari kaya sa huli ay napilitan na rin ang pamahalaang Amerikano na ibigay ang kahilingan ng mga manggagawa na ipatupad ang walong oras lamang na trabaho sa maghapon.

Ang walong oras na pagtatrabaho ay naging usapin din dito sa Filipinas. Ang pribilehiyong ito ay unang ipinaglaban ng Union Obrera Democratica Filipina o UODF na itinatag ng teologo at sosyalistang si Don Isabelo “Don Belong” De los Reyes.

Sa huli, sa kabila ng patuloy na panunupil ng Philippine Constabulary at ng reaksiyonaryong pamahalaang commonwealth, ay nakamit din ng mga manggagawang Filipino ang inaasam na walong oras na pagtatrabaho sa maghapon.

Ang pribilehiyong ito na tinatamasa ng marami ngayon ay utang ng lahat sa mga manggagawang nagsakripisyo ng dugo, pawis at buhay. Gayonman ay hindi pa tapos ang laban para sa isang makataong siste sa paggawa. Patuloy pa ang pakikibaka ng mga manggagawa kaya sa araw na ito ay mahalagang makiisa tayo sa kanilang mga kilos na sa dulo ay atin ding pakikinabangan.

* * *

Pabor daw ang tatlo sa bawat limang Filipino na maibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimeng bunsod nang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot at narkotiko ayon sa Social Weather Station. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

beyond deadlines
* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *