BIGLA na namang naglabasan sa kanilang mga lungga ang mga ‘namayapang’ destabilizers dahil sa pagsabog na naganap sa isang peryahan sa Quiapo, Maynila kamakalawa bago mag-hatinggabi.
Malaking bagay na mayroong camera ng CCTV sa nasabing area kaya’t agad nabibigyan ng direksiyon ang imbestigasyon ng pulisya.
Base na rin sa mabilis na imbestigasyon ng mga awtoridad, agad nilang naiugnay ang naganap na pagsabog sa paghihiganti ng isang ama na ang anak ay nabugbog umano ng mga bataan ng operator ng nasabing perya.
Pero iniimbestigahan pa lang ito at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ang ama ng batang nabugbog umano.
Ang nasabing ama ang naituro dahil nakapagsalita siya ng pagbabanta laban sa nasabing peryahan.
Ilang beses rin umanong nagpabalik-balik doon ang ama dahil hinahanap nga niya ang nambugbog sa anak.
‘Yan po ang tinutungo ng imbestigasyon ng pulisya.
Kaya sana lang po ay huwag nang ipilit ng kung sinong ‘destabilizers’ na ang pagsabog ay may kaugnayan sa ASEAN Summit.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com