Friday , November 22 2024
MRT

Walang katapusang technical problem ng Metro Rail Transit 3

INAMIN ng maintenance contractor ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na hindi na nila kayang ikorek ang riles ng nasabing train system.

Tahasang inihayag ito ni Charles Perfecto, corporate secretary and legal counsel ng Busan Universal Rail Inc. (BURI), sa harap ng mga mamamahayag sa ipinatawag nilang press conference kamakalawa.

At kung pagbabasehan pa ang kanyang pahayag, hindi na kayang kunin sa repair ang riles ng MRT, sa halip, kailangan na itong baklasin nang buo para maiwasan ang palagiang ‘technical problem’ na sinasabi.

Wattafak!?

Inihalintulad ni Perfecto ang MRT3 sa mga ‘senior citizen’ na kailangan na lang umanong ‘asistehan’ pero ang buong sistema ay hindi na ganoon kaepektibo para maghatid ng mga pasahero.

Ang MRT-3 umano ay may 350,000 pasahero kapasidad kada araw pero sa aktuwal ay 500,000 pasahero ag sinisilbihan nito.

Wala namang bago rito pero ang napansin natin, bakit tila naghuhugas ng kamay ang BURI sa kanilang press conference?

Sabi pa ni Perfecto, “Not all glitches are maintenance issues, and not all of them are a failure.”

Wattafak!

Ganoon lang kabilis silang mag-rason na hindi inisip kung ano ang nangyari sa mga pasaherong naprehuwisyo ang araw dahil sa ikinakatuwiran nilang ‘technical problem.’

Subukan kaya natin mag-ipit ng ulo ng isa sa mga manager ng MRT-3 at sabihin na, “Hindi sinasadya, may technical problem lang?”

Tanggapin kaya nila ang ganitong rason?!

By the way, 18-year-old na raw ang MRT line 3 system, kaya tama lang daw na palitan na ang riles.

Pero hindi raw nila magagawa ‘yan dahil may iba-ibang prayoridad din ang gobyerno. Nakahanda raw silang maghintay. Nakahanda silang maghintay basta’t hindi pa sila napapalitan ng ibang contractor o kompanya, ganoon ba ‘yun?!

E paano ang commuters?

Kailangang ihanda na nila ang kanilang sarili kapag sumasakay sa MRT3.

Kailangan handa sila… kapag tumirik o nagkaroon ng technical problem? Ganoon ba ‘yun?

By the way, saan pala napunta ‘yung mga bagong bagon na binili ng MRT? Ginarahe lang muna dahil may aberya rin!?

Maging si DoTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez Jr., ‘e tinawag na rin ang pansin ng BURI dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ng MRT3.

Binalaan ni Chavez ang BURI na magpaliwanag kung bakit hindi kailangan i-terminate ang kanilang kontrata sa loob ng pitong araw.

Hanggang ngayong araw lang hihintayin ni USec. Chavez ang paliwanag ng BURI. At kapag hindi sumagot, tuluyan na nga kayang ite-terminate ang kanilang kontrata?!

Wattahek!

Tira-pasok na naman ‘yan.

Sino ang ipapalit para sa maintenance ng MRT3?

Ayon kay USec. Chavez, umabot sa 116 unloading incidents ang nangyari sa MRT line 3 mula Enero hanggang Abril. Noong 2016 mayroong 586 unloading incidents.

Ayon kay Chavez, aabot sa P888 milyones ang pondo para sa ‘signalling’ at P907.4 milyones para sa general overhaul ng 43 trains.

Mangyari naman kaya?!

“The current condition of the track system is one of the culprits of these glitches and stoppages. Everyone must be reminded of the need to replace the rails, which is part of the maintenance provider’s scope of work.”

‘Yan ang statement ng BURI na ang tono ay para bang sinisisi pa ang MRT3, dahil matanda na kaya laging nagkakaroon ng technical problem.

Tsk tsk tsk…

Multi-milyones ang pinag-uusapan dito, pero kahit isa sa mga awtoridad ay walang makapagsabi na safe ang MRT3.

Nagbabayad po ang mga pasahero, hindi naman libre ‘yan USec. Chavez.

Ang gustong malaman ng mga pasahero, “Ligtas ba sila kapag sumakay sa MRT3?”

‘Yun lang po ang sagutin ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *