Friday , November 15 2024

Ang tradisyon ay para sa tao, hindi ang tao ang para sa tradisyon

MAHALAGA ang mga tradisyon sapagkat nagbibigay saysay ito sa ating kaakohan o self identity pero dapat din nating matanggap na hindi ito pang-habambuhay. May mga yugto sa kasaysayan kung kailan dapat muling suriin kung may kabuluhan pa ang tradisyon na isinasabuhay sa lipunan, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa siste ng akademia.

Nasabi ko ito matapos kong mabasa ang mga pabor at laban na punto sa desisyon ng pamunuan ng Pamantasan ng Pilipinas o UP na bigyan ng Honrary Doctorate degree si Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumabas sa pangangatuwiran ng pamunuan ng unibersidad na tradisyon ang dahilan kaya nila bibigyang parangal ang pangulo. Pinansin nila na hindi lamang si Pang. Duterte ang nabigyan ng ganitong pagkilala kundi pati na rin ang dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Simeon Aquino III.

Sa madaling salita, puwedeng masabi na mababa ang halaga ng kanilang pagpapahalaga dahil ito ay batay sa ‘tradisyon’ lamang at hindi sa konkretong nagawa ng bibigyan ng parangal. Ito siguro ang dahilan kaya tumanggi si Pang. Duterte na tanggapin ang nasabing parangal.

Ang suma punto ng mga tumututol ay dapat tingnan ng pamunuan ng UP ang salalayang moralidad ng bibigyan ng parangal dahil repleksyon ito sa uri ng lipunan na ibig galawan ng pamantasan.

May palagay ako na kapwa may punto ang pabor at laban sa isyung ito kaya hati ang bayan sa usaping ito. Ito rin ang dahilan kaya ipinapanukala ko na dapat ay manaka-naka nating sinisilip ang mga batayan ng ating mga tradisyon.

Hindi dapat natin malimutan na ang tradisyon, katulad ng mga nakatayong institusyon ngayon, ginawa ng tao para sa tao at hindi ang tao para sa tradisyon.

* * *

Binabati kita aking kapatid na Ricardo “Damon” Panelo sa iyong ika-54 taong kaarawan ngayong araw na ito. Tol mabuhay ka. Harinawa ay matuloy lahat ng balakin mo sa hinaharap. Dalangin ko ang mahaba mong buhay at maayos na kalusugan. Sana ay banat nang banat lang para tuloy naman ang biyaya ng

Panginoon para sa inyo ni Izy.

* * *

Mabigat daw ang ebidensiya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong inihain laban sa kanya sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *