Wednesday , May 14 2025
dead gun police

1 patay, 3 sugatan sa tandem (Pilahan ng trike niratrat)

PATAY  ang  isang  tricycle driver  habang sugatan ang tatlo katao makaraan pagbabarilin  ng  riding-in-tanden ang  pilahan  ng tricycle sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Hindi umabot nang buhay sa  Jose  Reyes  Memorial Me-dical Center ang biktimang si Miguel Perez, 31, taga-Velasquez St., Tondo.

Nilalapatan  ng  lunas sa nasabing  pagamutan  ang  tatlong sugatan na sina Marlon Clemente, 29; Francisco, 21, at Joshua Carbonel, 28, pawang tricycle driver, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide  Section,  dakong 12:05 am nang biglang sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo, saka pinagbabaril ang pilahan  ng tricycle sa kanto ng Capulong St., at Velas-quez St., sa Tondo, na ikinamatay ni Perez at ikinasugat ng tatlo pang biktima.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *