Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Immigration professionalism in time of crisis

NAGING matagumpay nitong nakaraang Semana Santa ang isinagawang augmentation of Immigration personnel sa tatlong pinakamalaking airports ng Filipinas, ang terminals 1, 2 and 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bago kasi dumating ang nakaraang okasyon ay umugong ang balita na magkakaroon ng mass leave ang Immigration officers sa airport bunsod ng dinaranas na krisis sa pagkawala ng kanilang overtime pay!

Dahil dito agad umaksiyon sina Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente at Port Operation Division Chief Marc Red Mariñas para magtalaga ng ilang mga tauhan mula BI main office na magdu-duty sa NAIA nag sa gayon ay maiwasan ang nakaambang malaking problema.

Dito makikita na hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang propesyonalismo sa panig ng mga kawani ng ahensiya at ito ay dahil sa respeto ng mga empleyado sa kanilang bossing ng POD na si Mariñas.

031816 immigration NAIA plane

Sana naman bilang pabuya sa kabayanihan ng mga nagsakripisyo sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa kabila ng kasalukuyang krisis ay matugunan na ang pagbabalik ng nawalang benepis-yo.

Malaking tuwa rin daw at pasasalamat ang ipinaabot ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa mga tumugon sa kanilang sinumpaang tungkulin at nangako na pag-iibayuhin ang kanilang hakbang para maibalik ang overtime pay ng mga empleyado.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipag-usap ng mga opisyal ng Bureau at ng DOJ sa Malacañang maging sa Department of Budget and Management (DBM) para sa isang saradong kasunduan.

Nagpahayag na rin ng suporta ang ilang miyembro ng Kamara para pabilisin ang pagsulong ng panibagong Immigration law.

Sa ngayon kasi ay lumalabas na outdated na ang kasalukuyang Philippine Immigration Act of 1940 dahil walong dekada na ang nakalilipas mula nang ito’y huling maamiyendahan.

Marami nang nabago sa takbo ng panahon at ayon na rin sa ilang eksperto at mambabatas, hindi na tayo nakaaagapay sa Immigration laws na ipinatutupad ng mga karatig-bansa.

Kabilang sa mga isinusulong na pagbabago ang pagtataas ng salary grades ng kawanihan, justification para sa pagkakaroon muli ng overtime pay at ang pagbabayad ng airline at shipping fees na nawala dahil lamang sa isang memorandum ni Mar Posas ‘este Roxas at Putrisima ‘este Purisima!

Para sa mga opisyal at empleyado ng Immigration na nagtiyaga, nagsakripisyo at tumupad ng kanilang tungkulin sa oras ng pangangailangan, bayani po kayong maituturing!

Mabuhay po kayo!!!

DAY-LIGHT ROBBERY
NG GADGETS
SA QUEZON CITY
TALAMAK

072616  nakaw burglar thief

Kahapon, natawag ang pansin natin ng balitang talamak na day-light robbery ng mga gadget sa Quezon City.

Ang kaigihan lang dito, mayroong mga CCTV na nai-record ang mga insidente.

At ‘yun mismo ang ipinagtataka natin. Bakit ganoon kalakas ang loob ng mga kawatan na pasukin ang bahay ng mga bibiktimahin nila gayong kalat nga ang CCTV?!

Sabi nga ng mga biktima, hindi paghihinalaan ang mga kawatan, dahil parang bahay lang nila ang pinapasok nila. Paglabas nila sa pinasok na bahay, kaswal na kaswal lang din. Lalabas na dala ang gadget gaya ng laptop, cellphone o smart phones na parang sila ang may-ari.

Quezon City Police District (QCPD) director, S/Supt. Guillermo Eleazar ano ba ang inaasikaso ng mga lespu ninyo?

Wala bang police visibility sa Quezon City at day time na day time ‘e ang lalakas ng loob mag-operate ng mga kawatan diyan sa area of responsibility (AOR) ninyo?

Kumusta naman po ang ‘makisig’ na hepe ng QCPD District Special Operations Unit (DSOU) na si Supt. Rogarth Campo na mahilig sa gadgets ‘este maaasahan sa pananalakay ng mga mahilig sa gadgets, hindi ba niya nahahalata ang sunod-sunod na day-time robbery sa Quezon City?!

Mayor Herbert “Bistek” Bautista Sir, mukhang mahina ang day-time police visibility sa lungsod mong minamahal…

Paki-check lang po ang mga lespu ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *