Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino ang nakikinabang sa job order (JO) sa Caloocan City contractuals?

UMIIYAK ang job order contractuals sa Caloocan City.

Aba, sa liit ng allowance na P7,000 na nakukuha nila kada buwan, nagigisa pa sila sa kanilang ‘sariling mantika’ ng mga loan shark o usurero o 5-6.

Para pagkakitaan ng mga usurero o 5-6, sinasadya umanong i-delay ang sahod ng mga JO.

Kapag na-delay, pauutangin sila ng loan shark na ang patong ay 6%, naging 8% hanggang naging 10%.

E kung 10%, ibig sabihin ‘yung P7,000 na sahod nila na madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung dumating ‘e mababawasakn pa ng P700.

042417 caloocan money

‘E ilan ang JO sa Caloocan City?

Kung sa 1,000 JO multiply by P700, mayroon silang P700,000 o higit sa kalahating milyon?!

Ang tanong: 1,000 lang ba ang JO sa Caloocan City? At sinong opisyal ang nakikinabang?!

Mayor Oca Malapitan, alam nating mas maraming bagay pa ang dapat ninyong asikasohin sa pagpapatakbo ng lungsod, pero kailangan na ninyong pakialaman ito, dahil kapag sumalto, tiyak na tatamaan kayo!

Pakibusisi lang po Mayor!

PULIS-PASAY ITINURONG
VIDEO KARERA KING

073016 pasay police pnp

Isang pulis na nakatalaga sa Pasay City, ang itinugang operator ng video karera sa nasabing lugar din.

Ang masaklap nito, pawang mga bata at kabataan ang biktima ng video karera na ang itinuturong operator ay isang alyas Litong Pulis.

‘Yan daw ang dahilan kung bakit talamak na naman ang video karera na sumisira sa mga kabataan. Grabeng bisyo na nakasisira sa pag-aaral dahil nalululong ang mga kabataan sa video karera.

Ayon sa source, nakalulusot umano ang VK operations ni alyas Litong Pulis kay Mayor Tony Calixto dahil kasabawat niya ang ilang barangay officials.

Magugunitang ipinagbawal noon ni Mayor Tony Calixto sa kanyang unang termino ang sugal na sakla at VK, ngunit lingid sa kanyang kaalaman kalat na kalat na umano sa iba’t ibang barangay ang VK ni Litong Pulis.

E ano pala ang ginagawa ng operating units ng Pasay City Police?

Dahil ba kabaro nila si Litong Pulis na operator ng VK, quiet na lang sila?!

Magkano ‘este ano ang dahilan?!

Maging ang Southern Police District (SPD) ay bulag umano dahil hindi kumikibo si SPDO Director, Chief Supt. Tomas Apolinario laban sa naglipana at talamak ng VK sa lungsod ng Pasay.

Kung walang hatag, bakit hindi sinasalakay ng pulisya?

Wala umanong parating o timbre ang VK ni Litong Pulis sa mga opisyal ng pulis at sa SPD…

Ang dahilan?

Kasangga ni Tolits Pulis ang barangay?!

Wattafak!

Mayor Tony Calixto Sir, pakibusisi lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *