TATLONG hinihinalang bigtime drug dealer ang naaresto ng Quezon City Police District-District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa drug buy-bust operation sa Guimba, Nueva Ecija, at Calumpit, Bulucan, iniulat kahapon.
Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nadakip ng mga tauhan ng DDEU ang tatlong suspek, kabilang sa PNP High Value Target (HVT), sa tulong ng Guimba Municipal Police Station, Nueva Ecija Police Provincial Office, at PDEA QC District Office, nitong 22 Abril 2017, sa Brgy. Maybubon, Guimba, Nueva Ecija, at Calumpit, Bulacan.
Kinilala ni Eleazar ang tatlong suspek na si Melvin T. Samson, 42, tubong Ma-lolos City, kabilang sa Brgy. Anti-drug Abuse Council (BADAC) drug watch; at live-in partner niyang si Gerlie C. Santiago, 22, kapwa residente sa Brgy. Maybubon, Guimba, Nueva Ecija; at Kimberley Arzadon, 27, ng Purok 5, Upper Bicutan, Taguig City.
Nauna rito, sa pama-magitan ng police asset, isang transaksiyon ang naisaayos kina Samson at Santiago para sa 120 gramo ng shabu, P600,000 ang halaga, sa itinakdang meeting place sa Bago Bantay, Quezon City.
Dahil sa pagdududa, inilipat ng mag-live-in ang meeting place sa Guimba, Nueva Ecija.
Agad, nakipag-coordinate ang QCPD sa Guimba Police, nagresulta sa pagkaaresto kina Samsom at Santiago makaraan bentahan ng 120 gramo ng shabu ang undercover cop.
Sa imbestigasyon, ikinanta ng dalawa ang kanilang drug dealer na si Arzadon, na nakabase sa Calumpit, Bulacan.
Sa tulong ng Calum-pit Police Station, nada-kip si Arzadon sa kanyang lungga sa Room Q, Paco Royal Inn, McArthur Highway, Brgy. Palimbang, Calumpit dakong 5:30 pm kamakalawa.
Nakuha kay Arzadon ang mahigit isang kilong shabu na tinatayang may P5 milyon street value at ang marked money.
EX-NARCOTICS
OFFICER TIMBOG
SA P.5-M SHABU
NAHULI ang isang dating opisyal ng pulisya sa isang operasyon sa probinsya ng Capiz, at nakompiska ang halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ni Levi Ortiz, deputy director ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 6, ang suspek na si Bobby Legaspi, tinaguriang “high value target level 2” sa priority list ng PDEA sa Capiz.
“Siya iyong nagde-deliver ng drugs sa mga contact niya,” ani Ortiz.
Ayon sa pagsisiyasat ng PDEA, inaangkat ni Ortiz ang droga mula Maynila.
“It passed through the ports of either Caticlan or Ivisan, tapos siya iyong kukuha ng droga at ide-deliver sa contacts niya,” ani Ortiz.
Aniya, nahirapan silang hulihin si Legaspi, na may malalim na koneksi-yon bilang dating narco-tics officer.
“Matagal na siyang involved sa illegal drugs however nahirapan tayong trabahuin siya dahil walang makuhang informant sa lugar dahil maimpluwensiya at the same time ex-narcotics command officer,” ani Ortiz.
Sa Cavite3 DRUG SUSPECT
TIMBOG
SA BUY-BUST
NAARESTO ang tatlong drug suspect sa buy-bust operation sa Brgy. Calumpang, Cavite City, Cavite nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Arnold at Wilmer Conte, at RC Boy Fernandez. Nakompiska sa mga suspek ang bag na may lamang 19 sachet ng hinihinalang shabu, P170,000 ang halaga.
Ayon kay Sr. Inspector Gilbert Derla ng Cavite City police, umamin si Arnold na gumagamit siya ng droga ngunit itinanggi na siya ay nagtutulak.
Habang umamin si Fernandez na siya ay nagtutulak, at iginiit na ang 70-anyos niyang lolo ang nagbibigay nito sa kanya.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
ni ALMAR DANGUILAN