Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Nagkakaisang manggagawa sa Labor Day

SA darating na Lunes, muling gugunitain ng mga manggagawa ang Labor Day.  Sa tuwing sasapit ang Mayo 1, ang iba’t ibang samahan ng mga manggagawa ay nagsasagawa ng kilos-protesta para ilatag sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing at kahilingan.

Kung dati-rati ay kanya-kanya ang kilos-protesta ng mga manggagawa, ngayon naman ay may nagkakaisang pagkilos na ilulunsad ang mga obrero para idulog ang kanilang mga hinaing sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang iba’t ibang organisasyon ay magsasama-sama at buong lakas na ipakikita sa pa-mamagitan ng isang demonstrasyon na kanilang kinokondena ang patuloy na pagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa bansa.

Ibig sabihin, magiging sentro ng pagkilos ng mga manggagawa ang usapin sa kontraktuwalisasyon na patuloy na nagpapahirap sa kanilang hanay, kabilang na ang panawagang sibakin na sa puwesto si Labor Sec. Silvestre Bello III.

Hindi totong ibinasura ni Bello ang contractualization, sa halip lalo lamang niyang pinalakas sa pagpayag na maaaring kumuha ng mga manggagawa ang  mga service provider o agency sa halip na dumiretso sa principal employer.

Sa ginawang bagong kautusan ni Bello, lalong naging legal ngayon ang mga agency na siyang kumukuha ng mga manggagawa para i-supply naman sa malalaking kompanya na umiwas magkaroon ng regular na mga empleyado.

Kaya nga, “drawing” talaga ang ipinagmamayabang ni Bello na kanyang bubuwagin ang kontraktuwalisasyon!  Walang maaasahan sa sinungaling na Labor secretary dahil paiikutin lang niya ang mga obrero.

Maraming atraso si Bello sa mga manggagawa.  Kamakailan lamang, hinaharang din ni Bello ang planong pagtatayo ni Digong ng isang departamento na siyang titingin o kaka-linga sa mga OFW.

Marami tuloy ang nagtatanong na baka naman malaki ang pakinabang ni Bello sa OWWA kaya natatakot siyang mabuwag ito sakaling matuloy ang OFW department?

Malaki ang ambag sa pamahalaan ng sektor ng paggawa kaya kailangan lang na pakinggan  ni Digong ang mga hinaing nila lalo ang usapin ng kontraktuwalisasyon.

Hindi maganda sa pamahalaan ni Digong kung magtutuloy-tuloy ang mga rally at demons-trasyon dahil lamang sa pagkabigo na hindi maibigay ang mga kahilingan ng mga obrero.

Hindi dapat panghinayangan ni Digong na itapon si Bello sa kangkungan!  Hindi na nga nakakatulong sa administrasyon ng pangulo, e nakagugulo pang lalo si Bello.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *