ANG kaguluhan SA North Korea ay nagsimula matapos magkasundo ang Amerika at ang dating Unyong Sobyet na hatiin ang peninsula sa 38th parallel o 38 degrees north of the equator pagkatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o WW II.
Inokupahan ng USSR ang hilagang bahagi ng Korea mula sa 38th parallel samantalang inokupahan naman ng USA ang timog na bahagi ng peninsula mula rin sa 38th parallel. Huwag nating kalilimutan na hindi kinunsulta ang mga Koreano kaugnay sa kasunduang ito kaya hindi kataka-taka na mainit ang pagnanasa ng mga North and South Korean na magkaisang muli bilang isang bansa.
Ang kagustuhan ng mga Koreano na magkaisa ang naging ugat ng madugong Korean War (1950-1953). Ang digmaang ito ay kinasangkutan ng USA, Tsina at Rusya hanggang matigil ito dahil sa isang armistice o pansamantalang kasunduan ng tigil-putukan noong 1953, kaya kung tutuusin ay hindi pa talaga tapos ang digmaan sa Korea.
Dapat din nating malaman na nilisan ng Rusya ang North Korea noong 1948 at ng Tsina noong 1953 ngunit nanatili ang mga Kano sa peninsula hanggang ngayon.
Mula nang matapos ang digmaan ay palagian nang hinihiling ng North Korea na magkaroon ng permanenteng kasunduaang pangkapayapaan, na itatag ang one-state two system policy katulad ng ginawa sa Hong Kong, umalis na ang puwersang Amerikano sa peninsula at ang pagkakaroon ng tuwirang ugnayan ng North Korea at USA.
Sa kabila nito ay tinutulan ng Amerika ang kahilingan kahit matapos itong alukin ng North Korea noong taong 2000 na ititigil na ang kanilang missile at nuclear developments kapalit ng garantiya na hindi sasakupin ng Amerika ang North Korea. Matigas na tinutulan ng USA ang mga panukalang ito. Hindi umano mapagkakatiwalaan ang North Korea.
Pero ang totoo niyan ay ginagamit lamang ng Amerika ang isyu ng North Korea upang manatili ang kanilang puwersa sa Korean peninsula bilang bahagi ng mga pagtatangka nila na kubkubin ang Tsina. Ito rin ang dahilan kaya sa kabila ng yaman ng Korea ay nanatili ito sa lilim ng saya ng mga Kano.
Hindi ngayon natin masisisi ang mga North Korean kung bakit pilit nilang pinalalakas ang kanilang puwersa. May banta ang Amerika laban sa kanila…
“The North Korean military bluster is just that. Its nuclear program and regular saber rattling are its ways to defend itself from what it perceives to be threats to its existence. For its refusal to disarm, what happened to Libya after disarming still resonates with Pyongyang, North Korea was isolated and demonized by the media. The world was successfully conditioned by western corporate media to see North Korea as an aggressor and its southern neighbor a victim,” ang paliwanag ng isang eksperto.
* * *
Tuloy ang pagdinig sa kaso ni Junjun Binay sa Sandiganbayan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond
Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City.
Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN
ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK