NITONG April 21 ay masayang idinaos ng buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano led by Coco Martin at ng mga taong nasa likod ng undisputed no.1 action-drama serye sa ABS-CBN ang kanilang thanksgiving party na dinaluhan ng dalawa sa bigwigs ng Kapamilya network na sina Sir Carlo Leo Katigbak at Ma’am Cory Vidanes at business unit heads ng Dreamscape Entertainment na sina Sir Deo Endrinal at Ma’am Julie Anne Reginio-Benitez. Present din siyempre ang manager at nanay-nanayan ni Coco na si Sir Biboy Arboleda na kagagaling lang sa very successful na series of shows ng alaga at ng Funtastic 4 sa Canada at America.
At habang nagkakasayahan ay nasorpesa ang lahat sa big announcement ni Ma’am Cory Vidanes na extended hanggang January 2018 ang FPJ’s Ang Probinsya-no na base sa survey nila ay umaabot sa rating na 40% at consistent na all-time high ang ratings mula noong umere hanggang sa kasalukuyan.
Kasama sa mensahe ng nasabing ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast ay binati niya ang lahat sa pagbibigay ng magandang show sa kanilang viewers. More tiyaga and kilig sa cast, sabi pa ng pamosong top lady executive.
Well para sa lahat ng mga manonood ng FPJ’s Ang Probinsyano at mga humiling na huwag tanggalin sa ere ang teleserye ng idol nilang si Cardo ay malaking good news ito sa kanila. Bukod kasi na paborito nilang tututukan gabi-gabi ay masaya si misis dahil maaga nang umuuwi ang kanilang mister sa bahay at hindi na nakikipag-inuman. Sa mga barangay kapag oras na ng Ang Probinsya-no wala nang batang nagkalat sa kalye kasi ini-enjoy rin ng mga bagets ang panonood nito.
Sabi naman ni Garlene Madera (estudyante), nagsisilbing family bonding nila ang pag-watch nito at mula naman sa tinderong si Tatay Eliseo, kung may problema ka, tanggal kapag napanood si Cardo kaya dapat raw ay laging nandiyan ang palabas.
Para ngang boxing fight ni Sen. Manny Pacquiao na tahimik ang buong paligid at walang krimeng nagaganap sa tuwing umeere ang serye ni Coco katambal ang magandang aktres na si Yassi Pressman.
Kudos rin sa creative team ng Dreamscape sa mga writer na sina Joel Mercado, John Joseph Tuason at Noreen Capili, mga director na kinabibilangan nina Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Toto Natividad at sa lumikha ng serye na si Rondel P. Lindayag.
JUDE AT DRA. GIA LANA MATUKLASAN
NA KAYANG SI HEART ANG KANILANG
NAWAWALANG ANAK SA “MY DEART HEART?”
Dahil sa paglantad at pakikipagkita sa kanila ni Rosa Valdez, lalong nabubuo ang hinala ni Dra. Gia Lana (Ria Atayde) na buhay ang anak nila ni Jude (Zanjoe Marudo).
Nagsimulang maghinala si Gia nang mabalitaan niyang raket na ni Rosa na nagtatrabaho sa isang Lying In Clinic ang magpalit ng bata sa kasisilang pa lang na sanggol at duda niya ay may kinalaman ang kanyang mommy sa pagkawala ng baby nila ni Jude.
Lingid sa kaalaman nila ng dating nobyo at ni Dra. Margaret, ang hinahanap nilang bata ay kinakalinga nila sa ospital na si Heart (Nayomi Ramos). Halos kumpleto na ng ebidensiya ng ka-kompetensiya at insecure kay Margaret na si Dr. Francis Camillus at plano nitong kasuhan ang nasabing popular na doktora sa ginawa niya sa sariling apo.
Magtagumpay kaya siya sa maitim niyang bi-nabalak? At sina Gia at Jude ano ang maaaring mangyari sa kanila sa paghahanap nila ng katotohanan sa nawawala nilang daughter.
Makaapekto kaya ito sa relasyon ni Jude at ng misis na guro na si Clara (Bela Padilla). Naku, siguradong katakot-takot na komprontasyon ang magaganap sa pagitan nina Gia at Margaret at panoorin ito sa pagpapatuloy ng pinag-uusapang fantasy-drama series na napapanood weeknights after FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma