Thursday , December 26 2024

Lagim na dulot ng droga

NITONG nakalipas na Easter Sunday ay nawasak ang buhay at mga pangarap ng isang pamilya dahil sa lagim na idinudulot ng droga sa damuhong lulong dito.

Para sa kaalaman ng lahat, maligayang nabubuhay ang mag-asawang Noel at Carolyn Marcella na kapiling ang kanilang anak na si Coleen sa Malolos, Bulacan.

In fact, handa na silang lumipat sa isang bagong bahay sa Rufina Homes para ipagdiwang doon ang ikapitong kaarawan ng kanilang anak sa Mayo 1.

Pero ang maligaya at payapang pamumuhay ng pamilya Marcella ay tuluyang nawasak noong Easter Sunday sa kagagawan ng isang construction worker sa subdivision na ayon sa pulisya ay talamak sa droga na nakilala umanong si Joey Montesclaros, 28.

Sa kuwento ni Carolyn, masaya pa silang nagbibisikletang mag-ina sa loob ng subdivision nang maparaan si Montesclaros na sakay rin ng isang bisikleta, at sila ay sinalakay.

Kagagaling lang daw ni Montesclaros noon sa pakikipag-inuman sa Bgy. San Juan. Dahil tinatalangka ang utak sanhi ng droga ay ginahasa at pinagsasaksak ng naturang suspek si Carolyn. Inakala niyang patay na si Carolyn kaya iniwan niya ito.

Hindi pa nakontento sa kahayupang ginawa ay pinagbalingan naman nito ang anak ng mag-asawang Marcella na si Coleen na kanyang inilunod sa isang kanal.

Lingid sa kaalaman ni Montesclaros ay buhay pa pala si Carolyn dahil na rin sa tulong ng mga kapitbahay na nagligtas sa kanya.

Makaraan ang ilang oras ay nabigla ang suspek nang bigang magdatingan ang mga pulis sa bahay ng kanyang lola sa Bgy. Canalate upang siya ay arestohin. Pagdating sa himpilan ng pulis ay positibo siyang kinilala ni Carolyn na umabuso sa kanya at pumaslang sa kanyang anak.

Bukod pa sa pahayag ng mismong biktima ay nakita rin si Montesclaros ng mga kapitbahay sa crime scene. At kahit tumanggi pa siya na naroroon siya sa lugar nang maganap ang krimen ay nakita rin siya sa kuha ng CCTV.

Nabaril ang suspek at napatay nang magtangka siyang agawin ang baril ng isa sa mga umaresto sa kanya habang nasa loob ng isang sasakyan.

Ang malagim na sinapit ng pamilya Marcella sa kamay ng isang lulong sa droga ay isa sa mga dahilan kung bakit sumusuporta ang inyong lingkod sa kampanya ni Pres. Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. Ang mga damuhong talamak na lulong sa droga ay kadalasang wala sa sarili at hindi na nalalaman kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa.

Paano tayo makapapamuhay nang tahimik, mga mare at pare ko, kung may mga hinayupak na adik na pagala-gala sa paligid at nagsisilbing banta sa ating kaligtasan? Droga rin ang dahilan ng maraming krimen tulad ng holdap, nakawan at snatching. Dapat lang paghuhulihin ang mga damuhong iyan upang maging ligtas tayong lahat.

Ubusin!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *