Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sen. Ping Lacson hinamon ang PNP sa drug killings

HINAMON at pinayohan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Philippine National Police (PNP) na iwasto at ayusin ang paglutas sa problema ng ilegal na droga sa bansa.

Aniya, pagod na ang sambayanan sa araw-araw na balita ng pamamaslang sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga.

Dapat umanong imbestigahan ng PNP ang pamamaslang na ginagawa ng mga vigilante at sa panig ng mga sangkot sa droga, arestohin sila sa wastong paraan.

Nakikita natin na may punto si Senator Ping sa babala o payo o mungkahi niyang ito.

012617 bato ping lacson

Ang utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay utos pero nasa PNP ang desisyon kung anong pamamaraan ang kanilang gagamitin sa paglutas sa talamak na problema ng ilegal na droga.

Walang masama kung pakikinggan ito ng PNP.

Si Senator Ping ay maituturing na Big Brother ng PNP dahil dati siyang hepe nito.

Higit sa lahat, naipakita niya sa sambayanan kung paano siya magdisiplina ng mga abusadong pulis.

PNP chief, DG Ronald “Bato’ dela Rosa, Sir, palagay natin ay panahon na para ‘pakinisin’ ninyo ang paglutas sa talamak na problema sa ilegal na droga sa buong bansa.

‘Yun lang!

MAG-INGAT SA TOWER
GROUND BULALOHAN
SA TAGAYTAY!
(Attn: Tagaytay Sanitary
and Permits Office)

042117 bulalo tagaytay

Nakatanggap tayo ng ilang reklamo at sumbong kaugnay sa malansang pagkain at malasadong kostumbre ng mga personnel ng isang bulalohan sa Tagaytay city.

Ayon sa reklamo, malinamnam raw talaga kung titingnan ang mga pagkain sa Tower Ground Bulalohan na matatagpuan sa Brgy. Zambong Tagaytay City, Cavite.

Kay sarap nga raw tingnan ang mga ulam ngunit dapat siyasatin mabuti kung ano ang mga sahog na inihahain sa hapag kainan dahil posibleng may secret recipe ang inyong makakain!

Isang pamilya na may masalimuot na karanasan sa nasabing Bulalo house, e talagang desmayado dahil sa kupad ng serbisyo, kuwestiyonableng kalinisan ng bulalo house cum karinderya at lalo na ang magaspang na pag-uugali ng mga personnel — mula sa waiters, supervisor/manager.

‘Yan e kung mayroon ngang head bisor o bossing ang babuyan ‘este bulalohan cum karinderya! Pagkatapos ng masayang pamamasyal ng pamilya ay naisipan nilang kumain sa naturang bulalohan pasado alas-9 ng gabi noong 13 Abril, Huwebes Santo.

Kung iisipin e, medyo lagpas na sa oras ng hapunan kaya’t hindi na masikip sa restoran pero halos isang oras pa rin silang naghintay na maihain sa kanilang mesa ang mga pagkain na inaasam-asam nilang matikman upang malamanan ang kumakalam na sikmura.

Pero halos isang oras bago naisilbi ang kanilang pagkain at nasundan pa ng mas nakaaasar na karanasan dahil nang isilbi sa kanilang mesa ang isa sa ulam na nais nila, e bumulaga at nakita ng pamilya na tila may lumulutang o lumalangoy na hindi nila malaman kung anong klaseng INSEKTO!

Yaaks!!!

Agad nilang itinuro sa waiter ang  insekto na lumulutang sa bulalo, na unang napagkamalan nilang napakalaking BANGAW pero sagot ng waiter, “HindiI naman ho ito bangaw, langaw o maruming insekto.”

Pero sa kalaunan e nadiskubre nila na napakalaking BUBUYOG pala?!

Nataranta pa ang kamoteng waiter at dali-daling pumasok sa loob ng kanilang kusina/opisina.

Tumagal pa umano nang mahigit limang minuto bago lumabas at bumalik sa kanilang mesa na wala man lang paumanhin na binanggit kundi papalitan na lang raw nila ang bulalo na may sahog na malaking INSEKTO?!

Sonabagan!!!

At dahil sa magaspang na ugali ng kausap nila ay hinanap ng pamilya ang manager o bisor ng Tower Ground Bulalohan pero walang humarap sa kanila at kumausap na head person on duty maliban sa kamoteng waiter at kahera na ang ginawa naman ay agad inabot ang kanilang bill o chit kahit hindi pa nila natatapos pagtiyagaan kainin ang iba pang inorder na pagkain.

Anak ng bangaw!!!

Sa puntong ito, naubos na ang pasensiya ng pamilya dahil tila sinisingil na agad sila kahit kumakain pa sila. Ang pangalawang bulalo na kapalit ng unang inorder na may sahog na insekto ay hindi na rin nila napakinabangan dahil sa tagal ng pagsisilbi ay nadesmaya na silang kainin pa ito!

Isa pang reklamo ng pamilya ay bakit order slip lang ang ibinigay sa kanila bilang OR!?

At nang hanapan nila ng OR e binigyan naman sila ngunit walang breakdown ng mga inorder kundi total amount lamang at walang petsa!

Tagaytay Mayora  Agnes Tolentino, paki-inspeksiyon lang po ang nasabing restoran at baka may malason pa sa kaburaraan nila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *