Monday , December 23 2024

Mag-ingat sa Tower Ground Bulalohan sa Tagaytay! (Attn: Tagaytay Sanitary and Permits Office)

Nakatanggap tayo ng ilang reklamo at sumbong kaugnay sa malansang pagkain at malasadong kostumbre ng mga personnel ng isang bulalohan sa Tagaytay city.

Ayon sa reklamo, malinamnam raw talaga kung titingnan ang mga pagkain sa Tower Ground Bulalohan na matatagpuan sa Brgy. Zambong Tagaytay City, Cavite.

Kay sarap nga raw tingnan ang mga ulam ngunit dapat siyasatin mabuti kung ano ang mga sahog na inihahain sa hapag kainan dahil posibleng may secret recipe ang inyong makakain!

Isang pamilya na may masalimuot na karanasan sa nasabing Bulalo house, e talagang desmayado dahil sa kupad ng serbisyo, kuwestiyonableng kalinisan ng bulalo house cum karinderya at lalo na ang magaspang na pag-uugali ng mga personnel — mula sa waiters, supervisor/manager.

‘Yan e kung mayroon ngang head bisor o bossing ang babuyan ‘este bulalohan cum karinderya! Pagkatapos ng masayang pamamasyal ng pamilya ay naisipan nilang kumain sa naturang bulalohan pasado alas-9 ng gabi noong 13 Abril, Huwebes Santo.

Kung iisipin e, medyo lagpas na sa oras ng hapunan kaya’t hindi na masikip sa restoran pero halos isang oras pa rin silang naghintay na maihain sa kanilang mesa ang mga pagkain na inaasam-asam nilang matikman upang malamanan ang kumakalam na sikmura.

Pero halos isang oras bago naisilbi ang kanilang pagkain at nasundan pa ng mas nakaaasar na karanasan dahil nang isilbi sa kanilang mesa ang isa sa ulam na nais nila, e bumulaga at nakita ng pamilya na tila may lumulutang o lumalangoy na hindi nila malaman kung anong klaseng INSEKTO!

Yaaks!!!

Agad nilang itinuro sa waiter ang  insekto na lumulutang sa bulalo, na unang napagkamalan nilang napakalaking BANGAW pero sagot ng waiter, “HindiI naman ho ito bangaw, langaw o maruming insekto.”

Pero sa kalaunan e nadiskubre nila na napakalaking BUBUYOG pala?!

Nataranta pa ang kamoteng waiter at dali-daling pumasok sa loob ng kanilang kusina/opisina.

Tumagal pa umano nang mahigit limang minuto bago lumabas at bumalik sa kanilang mesa na wala man lang paumanhin na binanggit kundi papalitan na lang raw nila ang bulalo na may sahog na malaking INSEKTO?!

Sonabagan!!!

At dahil sa magaspang na ugali ng kausap nila ay hinanap ng pamilya ang manager o bisor ng Tower Ground Bulalohan pero walang humarap sa kanila at kumausap na head person on duty maliban sa kamoteng waiter at kahera na ang ginawa naman ay agad inabot ang kanilang bill o chit kahit hindi pa nila natatapos pagtiyagaan kainin ang iba pang inorder na pagkain.

Anak ng bangaw!!!

Sa puntong ito, naubos na ang pasensiya ng pamilya dahil tila sinisingil na agad sila kahit kumakain pa sila. Ang pangalawang bulalo na kapalit ng unang inorder na may sahog na insekto ay hindi na rin nila napakinabangan dahil sa tagal ng pagsisilbi ay nadesmaya na silang kainin pa ito!

Isa pang reklamo ng pamilya ay bakit order slip lang ang ibinigay sa kanila bilang OR!?

At nang hanapan nila ng OR e binigyan naman sila ngunit walang breakdown ng mga inorder kundi total amount lamang at walang petsa!

Tagaytay Mayora  Agnes Tolentino, paki-inspeksiyon lang po ang nasabing restoran at baka may malason pa sa kaburaraan nila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *