Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NBI Deputy Director Jose Yap, 2 opisyal pa absuwelto sa kasong pagpaslang kay Jee Ick Joo

TULUYANG nalinis ang pangalan ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Jose “Jojo” Yap at mga kasama niyang sina NBI-NCR Director Ricardo Diaz, at NBI Task Force Against Anti-Illegal Drugs Chief Roel Bolivar nang i-dismiss ng korte ang kaso laban sa kanila.

Sina Yap, Diaz at Bolivar ay idinamay ni Supt. Rafael Dumlao sa kasong kidnap-slay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo. Hindi ba’t ito ang naging dahilan kung bakit tinanggal ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang operasyon laban sa ilegal na droga sa hurisdiksiyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)?

Mabuti na lamang at hindi bumigay sina Deputy Director Jojo Yap at ipinursige nilang ilaban ang kanilang kaso. At hindi naman sila nabigo…

092916-nbi

Kung inabsuwelto ang tatlong matataas na opisyal ng NBI, kinasuhan naman ng state prosecutors sa Pampanga court si Dumlao, itinuturong mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante noong Oktubre ng nakaraang taon. Kabilang sina Dumlao at dating National Bureau of Investigation (NBI) confidential agent Jerry Omlang sa mga nadagdag sa listahan ng Department of Justice (DoJ), na respondents para sa kasong kidnapping with homicide.

Kung matatandaan, una nang sinampahan ng parehong kaso sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, at SPO4 Roy Villegas, habang si Gerardo Gregorio Santiago, ang may-ari ng funeral parlor sa Caloocan City na pinagdalhan ng labi ni Jee, ay itinuturing na “accesory” sa krimen.

Sinampahan ng kasong carnapping ng DoJ sina Sta. Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas dahil sa pagtangay sa itim na Ford Explorer ng ne-gosyante, at doon pinatay ang biktima.

Kaya bago pa ang arraignment, naamiyendahan na ang impormasyon at inihain nitong Lunes, na  itinakda  ni Judge Irineo Pangilinan Jr., ng Angeles City Regional Trial Branch 58.

Si Jee ay dinukot sa kanyang bahay sa Angeles City noong 18 Oktubre 2016.

Congratulations Deputy Director Jojo Yap & company. The truth has set you free!

RACKET NA PAMIMITSA
SA BJMP TAGUIG
MULI NA NAMANG NAMAMAYAGPAG

102816-prison-money

Buhay na naman pala ang ‘mapagpalang’ raket diyan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito po ‘yung tinatawag na ‘escort fee.’

Ganito ang sistema, kapag may naka-schedule na trial hearing ang inmate, kailangan nilang magbigay ng P1,500 o mas higit, para prayoridad sila sa mabibigyan ng escort at maisasakay sa BJMP service.

Kapag walang P1,500, sorry na lang ang preso dahil hindi siya makadadalo sa kanyang hearing. Kung lagi siyang hindi makadadalo, malamang madesisyonan ang kaso niya in absentia o mas tatagal ang kaso?!

Pero kung ang preso ay mapera at maimpluwensiya, sila ang priority kikilan sa escort at service ng BJMP.

E paano kung walang pera ang inmates?!

Sorry na lang sila, malalaman na lang nila na ibibiyahe na lang sila sa Bilibid dahil hindi nila naipagtanggol ang kanilang sarili.

Hindi na bago ang ganitong raket.

Hindi ba’t nabisto rin ‘yan noong panahon ng nasirang DILG Secretary Jesse Robredo sa mga Ampatuan?!

Hindi ba’t nagpatupad ng matinding balasahan sa BJMP?

Ngayon, BSDU as in balik sa dating ugali ang mga taga-BJMP Camp Bagong Diwa, Bicutan!?

J/CSsupt. Romeo Sindingan Elisan Jr., Sir, paulit-ulit lang ba ang raket na ginagawa ng mga tauhan ninyo pero parang wala lang kayong pakialam?

Bakit?!

Kasama ka ba sa nakikinabang sa raket na ‘yan?! O baka naman bukol-bukol ka na riyan?!

Pakisagot lang General Elisan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *