Saturday , April 19 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kura paroko ng Sto. Niño sa Pasay nabiktima ng politikong mahilig mag-OPM

IBANG klase rin ang politikong ito sa Pasay City na kasalukuyang nakaluklok sa isa sa matataas na posisyon sa lungsod.

Mantakin ninyong maging ang Kura Paroko ng Sto. Niño at nagmi-misa sa Pasay City Jail na si Fr. Sonny ay pinangakuan pero hindi tinupad?! Kunsabagay, ano ang bago sa ganitong attitude ng mga politiko?!

‘Di ba running joke nga ang ganitong linya — “Napangakuan na, gusto tuparin pa?”

Hik hik hik!

Kidding aside, nalulungkot tayo sa ginawang panggagago este pa-ngangako ng nasabing politiko kay Fr. Sonny.

Nitong 3 Abril, isinugod sa Manila Sanitarium Hospital sa Pasay City si Fr. Sonny dahil sa heart attack.

Siyempre, dahil heart attack, series of laboratory tests ang ginawa sa kanya, bukod pa sa iba’t ibang medication.

Sa madaling sabi, umabot sa P100,000 ang hopistal bill ni Fr. Sonny.

Dahil dito, gumawa ng paraan ang mga parishioner para makapag-ambag sa panganga-ilangan ni Fr. Sonny.

Lumapit din sila sa mga tao o komunidad na naseserbisyohan ni Fr. Sonny na puwedeng makatulong sa kanila.

Nitong 10 Abril, may dumating na politikong city official. Pinapupunta niya sa kanyang opisina ang mga parishioner na nag-aalaga at tumutulong kay Fr. Sonny at dalhin umano ang latest hospital bill.

Agad naman nagtungo kinabukasan sa tanggapan ng opisyal ang parishioner na umaalalay kay Fr. Sonny, pero wala siya roon.

Tinawagan rin sa kanyang contact number ang politikong opisyal ng lungsod pero ang sabi ay hindi na siya makararating dahil hindi raw siya magkandaugaga sa rami ng appointment.

Wattafak!

Sa inis ng parishioner na pinangakuan ng politikong opisyal ng Pasay City, agad siyang lumabas sa nasabing opisina at hindi na nagtangkang bumalik pa.

Talagang malaking kabiguan ang naramdaman ng parishioner.

Sabi nga niya, sana raw ay hindi na nangako dahil umasa pa silang mga parishioner.

Grabe talaga si politikong opisyal! Hindi man lang nakonsensiya sa kanyang panggogoyo ‘este pag-o-Oh Promise Me (OPM) pero wala naman palang planong tumupad…

By the way, hindi ba’t paring Katoliko si Fr. Sonny?

Bakit sa Manila Sanitarium ipina-confine? Bakit hindi sa San Juan de Dios Hospital?!

Just asking lang po…

At si politikong opisyal ng Pasay City?

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *