Monday , December 23 2024

Holy Week sa Metro Manila generally peaceful (Ayon kay NCRPO chief C/Supt. Oscar Albayalde)

NASA labas man ng Filipinas ang inyong lingkod, tayo po’y patuloy na nakikibalita sa mga bagong kaganapan sa bansa.

Ang isa sa nakatutuwang balita, generally peaceful daw po ang Metro Manila nitong nakaraang Holy Week, ayon kay NCRPO chief, C/Supt. Oscar Albayalde.

Kasi naman, malaking porsiyento ng Metro Manila population ay umuwi o nagbakasyon sa iba’t ibang lugar.

Mayroon pa nga tayong nakita na pagkaluwag-luwag ng EDSA at ganoon din ang iba pang major thoroughfare taliwas sa mga regular na araw na ito ay iniiwasan ng mga motorista.

Hay kayluwag ng Metro Manila.

Tiyak ngayong araw ay balik sa normal na sitwasyon ang trapiko sa Maynila.

Huwag naman sanang magbakasyon ang mga traffic enforcer na nakatalagang magmando ng daloy ng mga sasakyan sa malalaking kalsada.

Sa kabuuan walang naitalang untoward incidents sa mga simbahan sa Kalakhang Maynila sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Gen. Albayalde, wala silang naitalang minor crimes o ano mang mga insidente sa mga simbahan. Wala ring report na isinumite ang iba’t ibang district police offices sa Metro Manila.

Nakatutok sila ngayong araw sa buhos ng mga pasahero na magsisibalikan sa Metro Manila mula sa mga probinsiya partikular sa mga bus terminal, seaports at airports.

Pero nananatili sa full alert status ang NCRPO dahil sa nakatakdang Association of Southeast Asian Nations Summit ngayong buwan ng Abril.

Kudos Gen. Albayalde!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *