Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May gestapo ba sa QCPD-DSOU?

NAGTATAKA tayo kung bakit kailangan umaktong tila mga Gestapo ang mga kagawad ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (QCPD-DSOU).

Mayroon kasing nakakulong na 21 katao na inakusahan ng DSOU na dinakip nila dahil umano sa kasong ‘cybersex.’

Mula nang lumakas ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga, tila naghanap ng ibang matatrabaho ang DSOU.

Sa totoo lang, ang mga isinasangkot ng DSOU-QCPD sa kasong cybersex, ay hindi talaga nila nahuli sa ganoong gawain.

Ang hindi natin maintindihan, bakit kailangang kalbohin, kikilan at bugbugin ang mga dinakip ng DSOU.

Si Atty. Berteni “Toto” Causing ay abogado namin at kahit kailan ay hindi siya hahawak ng kaso, sa ngalan lang ng kuwarta.

Ang 21 lalaking ‘yan ay kliyente ni Atty. Causing dahil nakikita niyang napaglalaruan ng mga law enforcers gamit ang batas sa cyber crime.

041117 QCPD DSOU

Sa totoo lang, hanggang sa kasalukuyan ay hindi klaro ang cyber crime, kaya nagtataka tayo kung bakit nasasampahan ng kasong cyber crime ang mga simpleng chatters.

Kung hindi tayo nagkakamalil, ilang opisyal ng pulisya sa QCPD, ay interesadong makuha ang dinakip nilang chatters para sila mismo ang makapagtayo ng cyber-chat.

Mas magiging masaya ang inyong lingkod kung magkakamali ako sa aking hinala.

Pero kung magkatotoo, isa tayo sa labis na malulungkot.

Isang impormasyon ang natanggap natin, mula mismo sa sirkulo ni Supt. Rogarth Campo, target ng kung sinong opis-yal sa QCPD na ipirata ang chatters para makapagtayo ng sariling cyber chat.

QCPD Director, C/Supt. Guillermo Eleazar Sir, puwede bang pakiimbestigahan ninyo, ang ilang opisyal ninyo na sinasabing planong magtayo ng cyber chat at namimirata ng agents.

Cyber chat is a legal business at malayong-malayo po ‘yan sa cybersex.

Law enforcers must learn more about businesses based on technology.

‘Yun lang po.

MAY KUMITA PA RIN
SA DEPORTATION
NG MGA CHINESE?!

031916 money airplane

MABUTI naman daw sa wakas at na-deport na rin lahat ang natitirang Tsekwa  na nahuli sa isang online gaming casino riyan sa Fontana Leisure Parks & Casino, Inc., na pag-aari ng Chinese businessman na si Jackol ‘este Jack Lam.

Matatandaang mahigit 1,000 Chinese nationals ang sinakote ng Bureau of Immigration (BI) ahil sa kanilang partisipasyon sa isa sa pinakamalaking kontrobersiya na kinasangkutan at ikinasibak ng dating dalawang BI buwiset ‘ehek asso-shit ‘este associate commissioners Michael Robles at Al Argosino gayondin ang tumatayong hepe ng intelligence noon na si retarded ‘este retired PNP Gen. Charles Calima.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kanila at wala pang kasiguruhan kung kasong kriminal ba o administratibo ang ipapataw sa mga sangkot.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit uminit ang status ng Bureau at sinasabing isa ito sa mga factor kung bakit tuluyang inalis ang overtime pay ng mga kawani.

Bagamat maraming personalidad ang na-involved sa kontrobersiyang ito, may ilan ding pinalad na nakinabang nang husto habang inaayos ang proseso tungkol sa deportation proceedings ng mga tsekwa.

Weh, ‘di nga?!

Aba’y oo naman!

Not one, not two, but many of them were lucky enough para makatikim ng katas ng mga Tsekwa sa Fontana habang inaayos ang deportation.

Kasama na rito ‘yung mga dinaanan ng mga papeles ng deportation, mga operatibang sumali sa operation, ultimong escorts at guwardiya na naatasang magbantay ay nakaamot ng grasya habang hindi pa nade-deport ang mga nasabing mga Chinese?!

Bukod sa matataas na opisyal na muntik nang magkamal nang husto, may ilan din sa ibaba ang naambunan habang dinidinig ang proseso ng deportation.

Ay sus, kaya naman pala pumutok nang todo!

Isipin na lang na 50 mil kada ulo raw ang siningil sa bawat deportation ng mga natirang tsekwa at P3,000 naman para sa mga naatasang mag-escort para ihatid lang sa airport bago i-deport?!

Pusang gala!

Talaga palang pinagkakitaan nang husto ang mga alipores ni Jack-ol ‘este Jack Lam!

Pero ano itong narinig natin na dalawang  opisyal daw ng Bureau ang nakinabang nang husto sa biyaya ng mga for deportation noon na tsekwa?

Kasi raw ay 50 mil nga at tres mil kada ulo nga raw ang charge sa bawat ulo na made-deport nila.

Sus mariano garapon!

Kalaki namang kuwarta niyan!

Sa dami ng mga nai-deport siguradong jackpot ang dalawang personalidad na ‘yan!

Kasuwerte naman ng mga hinayupak!

At sino naman daw ba ang dalawang BI officials na ‘yan?

Bahala na kayo magtanong diyan sa bawat sulok ng BI main office!

Basta ako paborito kong putahe ay  “relyeno” at “pecho!”

Yum! Yum! Yum!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *