PUMUTOK sa social media na si Transportation Secretary Arthur Tugade ay nasabon umano nang walang banlawan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Ilang buwan na lang at matatapos na ang one-year ban sa ma kandidatong talunan noong nakaraang eleksiyon.
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming ‘ulong gumugulong’ matapos madale ng palakol lalo kapag umiinit ang ulo ng Pangulo dahil walang pag-asenso sa mga ahensiya o opisinang pinagtalagahan sa kanila.
Kung totoo man na nasabon nang walang banlawan si Tugade, palagay natin ‘e isa sa mga dahilan nito ang problema sa traffic na tila hindi man lang napag-iisipan kung paano gagaan.
Maraming sinabi si Tugade noong siya ay itinalaga ng Pangulo pero hanggang ngayon, ganoon pa rin ang traffic ng mga sasakyan sa lansangan.

Maraming nire-repair na kalye kahit hindi pa sira, kaya kabi-kabila ang hukay sa mga main thoroughfare.
Ilang beses na bang nagtigil-pasada ang iba’t ibang transport group, sa banta na tatanggalin sa kalye ang jeepney.
Siyempre marami ang tututol, kabuhayan ang nakataya riyan!
Ang siste, hindi man lang kasi nag-offer ng alternatibo, naturalmente, mag-aalboroto ang transport groups.
Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring problema sa LTO at LTFRB pero wala pa tayong naririnig na naglilinis si Tugade sa dalawang tanggapan na ‘yan?!
Ano ba talaga Secretary Tugade? Naiintindihan mo ba talaga na gustong magsulong ng pagbabago ng Pangulo?!
E bakit walang nakikitang pagbabago ang sambayanan?
Bingo na ba, Secretary Tugade?!
HIV TEST SA MGA PRESO
(ATTN: SECRETARY UBIAL)

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com