ISANG mensahe po ang ating natanggap.
Ito po ang nagaganap ngayon sa Syria.
Kamakalawa ay ika-100 anibersaryo ng paglahok ng Estados Unidos sa World War I (WWI). Nagkataon na kahapon rin ang nakagugulat na 180 degree turn-around decision ng US na hindi siya makikialam sa Syria ay inilunsad ang 59 Tomahawk missiles bilang “flexible deterrent action” para ipakita ang tugon laban sa chemical attack ni Assad.
Walang umaatras. Tinawag ito ng Russia na insulting “Trumped up” move at nakatakdang gumanti.
Bumagsak na ang Global stocks, sumirit ang oil prices at ang UN countries ay komplikado ang mga posisyon.
Bantayan po natin ang mga susunod na kaganapan sa ating panahon.
Patuloy po tayong magdasal na huwag humantong sa World War III, ang nagaganap sa Syria.
Let’s keep our fingers crossed.
BIG ONE IS COMING,
MAGHANDA
AT MAGING LIGTAS

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
