ANO naman kaya itong narinig natin na may mga bagong immigration officers (daw), karamihan ay mga bagong pasok pa ang baliktad naman ang kanilang nararanasan?!
Imbes malungkot o makisimpatiya sa pagkawala ng O.T. ay itinuturing na “blessing in disguise” pa raw sa kanila ang mga nangyayari ngayon.
Susmaryosep!
At baket?!
Dahil kung noon ay kontento na raw sila sa kanilang tinatanggap na overtime pay, ngayon naman daw ay halos tatlong doble pa ang kanilang kinikita sa isang araw?!
Sonabagan!
Paano nangyari ‘yun?!
Since wala na nga raw silang natatanggap na OT, pagkakataon naman daw na kumita sa mga pinalulusot na pasahero araw-araw!
Wattafak!?
Wala raw silang pakialam kung lumusot ang overstaying foreign nationals pati na ang mga Pinay OFWs na hindi dumaan sa tamang proseso o ‘yung mga walang dalang Overseas Employment Certificates o ang tinatawag na OEC.
Tama ba Bisor Rico Peraalba ‘este Pedrealba!? Tama ba Bossing Dong Castillo!?
King enuh!
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin!
Free for all na ba riyan sa NAIA!?
Karamihan pa raw sa mga IO ay ‘yung mga galing sa Batch 13 o ‘yung grupo ng mga IO na huling nakapasok sa Bureau?
May mga ilan pa umano sa kanila ang ipinagmamalaki na 100 hanggang 200 libong piso ang kinikita kada linggo?!
Talaga lang ha?!
So nasaan na ‘yung magigiting na TCEU noon na nasa tuwid na daan, gaya nina Impyerno ‘este Imperio, Golimlim, Guerra at ang mga Tibolis na sina Timtiman at Ruiz?
Ibig bang sabihin nagbago na ang orientation nila?
Sa dami nga naman ng flights lalo na riyan sa NAIA, maning-mani lang sa kanila ang kumita ng 20 mil hanggang 30 mil sa bawat pasahero na kanilang pinalulusot ‘di ba?
Totoo man o hindi ang nasabing report sa atin, isa itong senyales na dapat nang umaksiyon si Commissioner Jaime Morente para pagpursighan ang pagbabalik ng dating legal na kinikita ng buong ahensiya!
In the first place, hindi ko masisisi ang murang isipan ng ilang bagong immigration officers o maging ng kahit sino pa man sa Bureau ngayon.
Pamilya na o sariling sikmura ang nakasalalay ngayon!
Survival of the fittest!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com