Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCSO dapat suportahan ng PNP kontra illegal gambling

NAKATUTUWANG mabalitaan na mahigpit ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kamakailan lang ay nabalitaan natin na sinibak ang tatlong pulis mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na sugal sa rehiyon.

Kinilala ang mga sinibak sa puwesto na sina P/Supt. Joel Quintero, P/Supt. Nicomedes Olaivar, Jr., at SPO4 Clarito Aparicio, na positibong kinilala ng Authorized Agent Corporation (AAC) na nagpapatakbo ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lugar na nabanggit.

Agad ipinaabot ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz kay PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang naturang ulat tungkol sa ilegal na sugal sa Rehiyon VII.

SERYOSONG nag-uusap sina PCSO General Manager Alexander Balutan (kanan), PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz (kaliwa), at PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa (gitna) sa pulong-konsultasyon ukol sa anti-illegal gambling na ginanap sa Camp Crame, Quezon City.
SERYOSONG nag-uusap sina PCSO General Manager Alexander Balutan (kanan), PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz (kaliwa), at PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa (gitna) sa pulong-konsultasyon ukol sa anti-illegal gambling na ginanap sa Camp Crame, Quezon City.

Aba kung ganito ang laging mangyayari, ‘yung laging magtutulungan ang PCSO at ang PNP, tiyak na masusugpo ang ilegal na sugal.

Alam ba ninyong inaasahan na kikita ang gobyerno ng P27 bilyon sa PCSO mula sa STL ngayong taon na makadaragdag sa pondo ng PCSO para sa Serbisyo, Trabaho at Laro sa buong bansa.

Ang 30% ng pondong malilikom mula sa STL ay gagamitin para sa mga programa at proyektong pangkawanggawa at medikal gaya ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) na mahigit 300,000 Filipino ang naserbisyohan noong 2016.

Hawak-kamay lang PCSO at PNP at tiyak na marami pa kayong matutulungan.

Kudos Gen. Alexandr Balutan and PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa!

PUBLIC PLAZA IRESPETO
AT GAMITIN SA MGA LEGAL
NA GAWAIN  — DIGONG

010917-bonifacio-lawton-illegal-terminal

Mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang nagsalita, irespeto ang public plaza o ang mga liwasang pambayan o pambansa.

Ang mga plaza, ayon kay Pangulong Digong ay para sa gawaing magpapaunlad sa bawat mamamayan at makatutulong sa kabutihan ng komunidad.

Kaya nagtataka tayo kung bakit ang Liwasang Bonifacio o Plaza Lawton ay nagagamit sa mga ilegal na gawain at nagiging tambayan ng mga holdaper at snatcher.

Namamayagpag ang illegal terminal na mukhang pinagkakaperahan pa ng mga tiwaling barangay officials.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) legal daw ang mga terminal sa Liwasang Bonifacio.

E kung legal ‘yan, bakit hindi maglagay ng comfort rooms? Kung saan-saan lang umiihi ang mga driver at mga pasahero kaya namamanghi at napakabantot ng Liwasang Bonifacio.

Aba ‘e palitan na ng pangalan ‘yan — gawin nang Bonifacio illegal terminal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *