Saturday , November 16 2024

Dokumento sa trabaho dapat libre (Sa new graduates)

LIBRENG birth cerfiticate, passport, TIN ID, barangay at NBI clearance ang dapat itulong ng gobyerno sa mga bagong graduate sa kolehiyo, upang mapagaan ang mga posibleng gastusin sa paghahanap nila ng trabaho.

Ayon kay Senador Sonny Angara, ito ang dapat na Bill of Rights for New Graduates, upang matulungan ang mga katatapos ng kolehiyo na makapaghanap ng trabaho o makapagtayo ng maliit na negosyo.

Sa Senate Bill 313, lahat ng bagong graduates mula sa kolehiyo at uni-ersidad, kabilang ang mga nakapagtapos ng kurso sa mga technological-vocational schools, ay libre sa mga bayarin sa pagkuha ng nabanggit na mga dokumento.

Kung maliit na negosyo ang binabalak itayo ng isang bagong college grad, libre rin ang kanyang pagkuha ng business o self-employment permits at may kaakibat pang technical o financial support mula sa gobyerno.

“Kapag nag-a-apply ng trabaho ang mga bagong graduate natin, pinahihirapan sila sa pagkuha ng iba’t ibang dokumento. Hirap na sa pagkuha, gumagastos pa. Nagiging pabigat pa sa kanila. Nais nating pagaanin ang kanilang gastusin para mas mapadali ang paghahanap nila ng trabaho,” ayon kay Angara.

Sa ilalim ng naturang panukala, magiging sponsored members ng SSS, PhilHealth at Pag-ibig ang mga bagong college graduate, at hindi pagbabayarin ng monthly contributions sa loob ng isang taon, mula sa araw ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

Dagdag rito, hindi pagbabayarin ng travel tax at airport terminal fees ang new graduates, at patuloy silang sakop ng student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon sa loob ng isang taon, mula sa araw ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo. At upang ‘di mahirapang sumailalim sa mga benepisyong ito ang new graduates, sila ay pagkakalooban ng isang incentive card na magagamit nila sa buong isang taon, alinsunod sa araw ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo, na magmumula sa tanggapan ng Public Employment Service Office sa kani-kanilang lungsod o munisipalidad.

Nakasaad din sa panukalang batas, na makatatanggap sila ng patas na suweldo na nakalaan para sa mga em-pleyado, at may kontratang tatagal din ng anim na buwan nang naaayon sa batas.

Kaakibat din ng panukalang ito ang pagkakaloob ng pribilehiyong ma-exempt sa pagkuha ng civil service exam ang mga graduate na kabilang sa top 10 percent ng mga nagtapos sa kanilang paaralan. Ito ay para mapadali ang kanilang pagpasok sa ano mang ahensiya ng pamahalaan ang kanilang pasukin pagkatapos ng kolehiyo.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *