Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Speedy trial kay CIDG R8 Chief Supt. Marvin Marcos et al para sa speedy pardon

MAY kasabihan, nang magsabog ng suwerte ang langit mukhang nasalo lahat ng grupo ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern Visayas, Regional Director, P/Supt. Marvin Marcos.

Kung inyo pong naaalala, ang grupo ni Supt. Marcos ang itinuturong responsable sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na sinabing ‘pinatay’ sa loob mismo ng kanyang selda.

Saan ka nga naman nakakita na magsisilbi ng arrest warrant ay madaling araw at sa loob pa ng selda. At dito lang talaga nangyari na isang buong yunit ang nagsilbi ng arrest warrant pero naisipan pa ni Mayor Espinosa na manlaban kaya hayun, 6-feet below the ground na siya ngayon.

Heto ngayon, nasa hoyo na ang 19 miyembro ng CIDG Eastern Visayas, na pinangungunahan nga ni Supt. Marcos at naghihintay na lang na isalang sila sa paglilitis.

122116-marcos-police-pnp

Pero mukhang papetik-petik lang ang grupo ni Marcos dahil sa pangako ng Pangulo na kung masesentensiyahan sila ‘e gagawaran niya agad ng pardon at mukhang maipo-promote pang General.

Wattafak!?

Sa dami ng mga akusado, tiyak na aabutin nang higit pa sa anim na taon ang paglilitis kahit maging speedy trial pa ‘yan.

Pero ayon umano mismo sa Pangulo, puwedeng mapabilis ang paglilitis kung mag-plead guilty si Marcos at ang kanyang grupo.

Sobrang suwerte naman talaga nina Supt. Marcos et al.

Kung masesentensiyahan nga naman agad siya, ‘e ‘di magagawaran agad ng pardon?!

Ang galing-galing naman.

Anyway, patunay lang ito na mayroong isang salita si Pangulong Digong at kanyang pinaninindigan ang kanyang pangako.

Sino nga ba naman ang kanyang kikilingan, ang isang drug lord na maraming sinirang buhay o ang isang police official na pumatay ng isang nanlabang drug lord?!

A Solomonic decision indeed!

Maka-epal lang
MARCH 28 GUSTONG
GAWING DUTERTE DAY
NG BULACAN SOLON

040417 Robes Duterte

Isang panukalang butas ‘este batas ang inihain ni City of San Jose del Monte Solon, RIDA ROBES na naglalayong gawing Duterte Day ang March 28, kaarawan ng Pangulo, para raw maalala ang simula ng reporma, muling pagkakaisa at pag-unlad ng ating bansa.

Sabi pa sa panukala: “His leadership is bringing about the rebirth of pride in our people and breathes new life into all of us, as we partner with him in building a new nation.”

Ang galing naman ni Congresswoman Rida!

Brilliant mind! Palakpakan! Bravo!

Mantakin ninyong sa mahigit 200 mambabatas sa Kamara ‘e siya lang ang nakaisip niyan?!

Napakahusay mo Ma’m!

Napakahusay magsepsep!?

Bwahahaha!

E ayaw na ayaw pa naman ni Tatay Digong ng mga ganyan pa-eklat!

Wala na sigurong, problema ang mga mamamayan sa City of San Jose del Monte kaya ‘yang Duterte Day na lang ang naiisip na panukala ni Congresswoman Rida.

By the way Congresswoman Rida, kumusta na po ba ang City of San Jose del Monte?!

Nahahatiran na po ba ng batayang serbisyo ang mga taga-City of San Jose del Monte na nasa liblib  na lugar gaya sa Karahume at iba pang lugar sa dulo ng Paradise?

Pasyal-pasyal  din kapag may time sa mga remote  areas  ng  inyong  lungsod  Madam  Congresswoman!

REKLAMONG TOMAAN
SA BARANGAY NI CHAIRMAN
EDWIN SANTOS

SIR Jerry, ibang klase rin pala ang estilo ni Brgy. Chairman Edwin Santos ng Brgy. 222 Zone 22 ng Katamanan St., Tondo na tila walang pakialam sa katahimikan ng kanyang nasasakopan dahil hindi man lang sinisita ang mga nag-iinuman sa kalye kahit inaabot na ng madaling araw at maging ang kanyang EX-O at mga tanod ay ‘di rin makita sa kanyang brgy! At maging ang MPD PS-7 ay mukhang tinatamad nang magronda sa nasabing lugar! Bakit? Wala bang kita? Aba! PNP Chief Ronald Dela Rosa, Sir! Baka puwede mo nang ipatapon sa ARMM ang chief of police ng MPD PS-7 mukhang nagpapalamig lamang sa kanyang opisina?

+63916782 – – – –

Chairman Edwin Santos, hihintayin ko ho ang paliwanag ninyo.

AVENIDA-TONDO 2
NAGKALAT PA RIN
ANG MGA OSDO
AT SOLVENT BOYS?!

MAGANDANG araw po Boss Jerry, nagkalat na naman po ang mga snatcher at ‘mando’ sa kahabaan ng Avenida mula po sa Carriedo hanggang Blumentrit Sir. Kaliwa’t kanan kung manghablot ang mabibilis na snatcher na batang Avenida, dapat ho linisin rin ang mga nagkalat na solvent boys na nakaistambay sa gitnang gutter at mga bangketa habang sumisinghot ng solvent, karamihan sa kanila ay mga kabataan, meron rin naman “gang youth” na matapos manghablot ng gamit sa pasahero ng PUJ na nakahinto sa trapik ay tatakbo at sasakay sa kasabwat na tricycle sabay sibat. Sana po ay maispatan rin ng awtoridad ang mga ‘yan lalo na po ang mga gang youth ng Tondo at tinaguriang Chinatown boys na apat na kalalakihang kilalang may kinalaman rin sa droga sa Tayuman, Tondo.

– Concerned Citizen po.
— Jaime——@yahoo.com

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *