Hello pet lovers careful, careful when you are in the mall or other public places
Jerry Yap
April 3, 2017
Bulabugin
Panawagan lang po ito sa mga kababayan nating pet lovers, gaya rin ng inyong lingkod, upang kapwa natin maiwasan nag prehuwisyo.
Kung hindi natin maiiwasan na isama ang ating mga alaga (ako po ay may anim na pet dogs) ‘e tiyakin lang natin na hindi sila makasasakit at ganoon din naman na hindi sila masasaktan ng ibang tao.
Gaya na lang ng nangyari kay dating Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Manda na nakagat ng isang pet dog sa Wooden Spoon sa Rockwell, Makati City.
Ang ipinagtataka ni ex-GM Manda, kahit may paalala na “no pet allowed”e nakapasok ang isang pet dog sa nasabing restaurant na kung hindi tayo nagkakamali ay pag-aari ni Culinary expert Sandy Daza.
Habang naglalakad papunta sa kanilang mesa, biglang naramdaman ni ex-GM Manda na tila may kung anong tumusok sa itaas ng kanyang bukong-bukong. At nang kanyang i-check ‘e, nakagat na pala siya ng aso.
Aray!
Nang kausapin niya ang may-alaga sa nasabing aso, ayaw magpakilala at tila ayaw panindigan ang kanyang pananagutan bilang pet owner.
Mismong ang management umano ng nasabing restaurant ay nagulat nang malaman na mayroong nakapasok na pet dog sa kanilang restaurant.
Wattafak!
Sa madaling sabi, kaysa makipagtalo sa pet owner na ayaw magpakilala, nagpunta na sa pinakamalapit na Animal Bite Center (ABC) si ex-GM Manda para magpa-ineksiyon ng anti-rabies.
Mabuti na ‘yung sigurado.
Kinailangan din makipag-ugnayan pa si ex-GM Manda sa security management ng Rockwell para makuha ang pangalan ng lady pet owner.
Marami namang paraan para maiwasan ang mga ganitong insidente.
Sa outdoor and indoor private and public places, be sure na hindi mangangagat o hindi mabibigla kapag nakakita ng maraming tao ang inyong pet dog.
Sa mga mall, gaya ng Fairview Terraces, mayroon silang pet dog care center na puwede ninyong pag-iwanan ng inyong mga alaga, habang namamasyal kayo sa loob ng mall, nanonood ng sine o kumakain. Kapag iniwan ninyo ang inyong pet dog sa kanila, pakakainin na sila roon, paiinumin ng tubig at puwede pang makipaglaro sa iba pang pet dogs for P50 per hour.
Sana, lahat ng mall or park ay mayroong ganitong services.
‘Yung iba namang pet owners nilalagyan ng ‘busal’ o dog gag ang kanilang mga alaga para sigurado lang na hindi makakagat ng mga tao.
At ‘yung mga establishment naman na mayroong “no pet allowed” policy, be sure na naipatutupad ninyo nang tama at wasto ang inyong patakaran.
Ganoon lang po kasimple.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap