Friday , November 22 2024

Secretary Al Cusi nagkaloob ng artwork para sa Duterte’s Kitchen

Goose bumps ang naramdaman ko nang mabasa ko ang isang maliit na photo caption tungkol kay Energy Secretary Al Cusi.

Ipinagkaloob ni Secretary Cusi ang painting (collector’s item) na regalo sa kanya ng kaibi-gang Japanese aritist na si Keisuke Teshima, na kilala sa kanyang One-Stroke Dragon technique, para sa proyektong Duterte’s Kitchen feeding program.

Pero imbes na cash ang ibigay ng mga bidder, nangako silang magkakalob ng lugaw, gamit at iba pang pangangailangan para sa Duterte’s Kitchen.

Goose bumps, kasi, ngayon lang tayo nakaranig nang ganito sa mga government official.

Karamihan ng mga alam nating naitatalaga ng isang presidente sa posisyon, ang unang iniisip kung paano magge-generate ng ‘sariling pondo’ papasok sa kanilang bulsa.

Si Secretary Cusi, napaka-priceless ng kanyang kontribusyon sa Duterte’s Kitchen feeding program.

Kung tutuusin puwede namang ipanghi-ngi na lang niya ang ipagkakaloob niyang donasyon. Tiyak magkakandarapa pa ang suppliers at bidders sa mga proyekto ng Department of Energy (DOE) para sa ganitong proyekto, makalapit lang sa kalingkingan ng Pangulo.

Pero hindi ginawa ni Secretary Al ‘yun, sa halip ipinagkaloob niya ang isang priceless possession.

Isang magandang halimbawa para sa iba pang government official.

Sana lahat ng government officials ay mayroong ganitong uri ng pag-iisip. Kung ganyan sila, tiyak babalik ang dating mataas na pagti-ngin ng mamamayan sa pamahalaan.

Keep up the good work Secretary Al ‘Pon-sing’ Cusi, kudos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *