Monday , December 23 2024

Beauty enhancement clinics dapat nang pakialaman ng DoH!

ISA na namang biktima ng beauty enhancement clinic or cosmetic surgery ang hindi nakatitiyak kung magkakaroon ng katarungan ang hindi inaasahang pagkamatay matapos sumailalim sa tatlong beauty enhancement operation sa dalawang doktor sa Mandaluyong City nitong Sabado ng hapon hanggang Linggo ng madaling araw.

Isa itong trahedya para sa pamilya ng 29-anyos na si Shiryl Saturnino.

Inaasahan nilang pagkatapos ng operasyon ay matutuwa sila sa kasiyahang ibabahagi sa kanila ni Shiryl dahil nadagdagan pa ang alindog na kanyang tinataglay.

Sabi nga ng mga kamag-anak ni Shiryl, likas na maganda ang masipag na negosyante, pero dahil sadya siyang vanidosa kaya ginusto niyang mas maging kaaya-aya pa kaysa rati.

Pero ‘yun nga, pagkatapos ng tatlong cosmetic surgery na liposuction, breast and butt surgery nag-expire si Shiryl nang hindi namamalayan ng dalawang doktor na sina Dr. Jose Jovito Mendiola at Dr. Samuel Eric Yapjuangco ng The Icon Clinic.

Tumawag pa raw ng ambulansiya, siyempre naghintay pa, saka itinakbo sa Makati Medical Center pero dead on arrival ang biktima.

Shock to the max talaga tayo sa balitang ito bagamat hindi lang ito ang na-encounter natin na ganitong kaso.

Dati na nating isinulat ang kaso ng misis ng isang kaibigan natin na sumailalim sa liposuction procedure sa clinic ni Dra. Vicky Belo sa Timog QC pero nag-expire rin.

Kasunod nito ang iba’t ibang insidente sa iba pang cosmetic surgeon na mga sumagwa ang itsura matapos sumailalim sa iba’t ibang beauty enhancement or cosmetic surgery.

Mga nagreklamo at naghain ng kaso pero hindi natin nabalitaan kung nakamit ba ang katarungan.

Sa mga ganitong insidente sino ang awtoridad na dapat managot?

Siyempre walang aako. Kasi ang katuwiran nila, private clinic ang mga nasasangkot.

Pero hindi ba naiisip ng Department of Health (Paging Secretary Paulyn Jean Rossel-Ubial) na mayroon silang pananagutan diyan?!

Panahon na upang maisipan nila na huwag payagang magsagawa ng mga cosmetic surgery sa mga clinic at suriing mabuti kung ano ang health implications nito.

Kailangan magpatupad nang mahigpit na patakaran ang DOH sa mga cosmetic surgery clinics at limitahan ang pagsasagawa ng nasabing surgical operations.

Hindi ba mas nararapat at ligtas kung sa loob mismo ng operating room sa hospital ginagawa ang procedure na gaya nito!?

Secretary Ubial puwede bang isa ito sa maging legacy ng Duterte administration?!

Umpisahan na, now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *