Monday , December 23 2024

Anti-manggagawang e-Passport kanselahin sa private contractor kung ginugulangan ang kaban ng bayan!

BILYON-BILYON ang kinikita ng Asian Productivity Organization – Production Unit Inc. (APO-PU) at kinuha nitong sub-contractor na United Graphic Expression Corp. (UGEC), sa pag-iimprenta ng e-passport.

‘Yan ang lumalabas sa kuwentadang P950 to P1,200 kada passport sa 17,000 applications sa isang araw.

Nakatatanggap ang DFA ng tinatayang 17,000 passport applications sa isang araw. At dahil mayroon na ngang online solutions, ang applications ay 24/7, kaya tinatayang nakapagpoproseso ang DFA ng 5.1 milyong aplikante kada taon.

Karamihan sa mga aplikanteng ito ay overseas Filipino workers (OFWs) na sabi nga ng PAFLU ay unang-unang naaagrabayado sa anti-worker na e-passport ng APO-PU at UGEC.

Sabihin na nating ang presyo ng Philippine passport ngayon ay P950 bawat isa. Lalabas na ang DFA, APO at UGEC ay kumikita ng P500 sa bawat passport na naire-release.

Kung imu-multiply ito sa output na 5.1 milyon kada taon, klarong-klaro na kumita sila ng P2.55 bilyon. Ang kanilang kontrata ay 10 taon, kaya sa loob ng panahong ‘yan ang APO-PU at UGEC ay magkakamal ng P25.5 bilyon sa ilalim ng 10-90 scheme.

Wattahek?!

Higit pa sa tubong-lugaw!

Hindi lang tubong-lugaw, iginisa pa sa sariling mantika ang sambayanan.

Alam ba ninyong umutang pa sa Development Bank of the Philippines (DBP) ang UGEC para makapagpatayo ng imprenta sa LiMa (Lipa-Malvar) Economic Zone sa Batangas?

Ibig sabihin, pera ng gobyerno ang ipinuhunan, pero ‘yung tubo na tumubo na parang lugaw, sa APO-PU at UGEC napunta.

Wattafak?

Heto ngayon, sa kabila nang ganyan kalaking kinikita ng APO-PU at UGEC, aba, palpak pa rin ang serbisyo ng e-passport.

Sa pagkuha pa lang ng schedule sa online ‘e aabutin na ng tatlong buwan. At kahit magbayad ng P1,200 ang aplikante para sa mas mabilis na pagpoproseso, hindi pa rin matiyak kung kailan darating ang passport.

Kaya ang resulta, sa Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) nagagalit ang mga aplikante.

Hindi nila alam na ang aberya ay nagmumula sa APO-PU at sa UGEC.

Ang tanong ngayon, bakit hinahayaan ng DFA na manatili ang pag-iimprenta ng e-passport sa APO-PU at UGEC kung hindi maresolba ang mga kapalpakan?!

Bakit hindi ibalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)?

By the way, hindi ba’t ang APO-PU ay nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ngayon ni Secretary Martin Andanar?!

Secretary Andanar, hindi nga sa administrasyon ninyo naaprubahan ang kontrata ng APO-PU at UGEC pero umiiral pa rin hanggang ngayon sa ilalim ng iyong pamumuno.

Kung ang e-passport ay nanatiling anti-manggagawa at ginugulangan ang sambayanan, bakit hindi pa kanselahin ang umiiral na kontrata sa APO-PU at sa UGEC at ibalik sa BSP ang pag-iimprenta ng e-passport?

Secretary Andanar, Sir, pakiklaro nga sa amin ang isyung ito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *