PINAKAMATATAG pa rin ang NBI sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Dante Gierran.
Ginagawa nila ang lahat ng ikabubuti ng ating bayan base sa kautusan ng Pangulong Duterte lalo na ang laban sa droga.
Tiwala at kompiyansa si Pangulo DU30 sa NBI kaya ibinalik ang war on drugs.
Nakita natin ang respetohan sa pagitan ng Pangulo, nina Sec. Aguirre at Director Gierran na pawang magkaka-brod sa Lex Talliones.
Nagtatrabaho nang husto sa bayan at wala silang kapaguran sa serbisyo publiko.
Matatag pa rin ang NBI sa kabila ng ilang ahas sa departamento na pilit sinisiraan at ginigiba ito.
Hindi kasi ugali ni Director Gierran ang magsipsip at magpapogi para sa interes niya, ang sa kanya ay serbisyo sa bayan at sa ating Pangulo.
Kaagapay ni Director Gierran sa mahusay na pamamalakad sa NBI sina Deputy Director Atty. Antonio Pagatpat na walang dungis ng corruption, ganoon din si Atty. Ernesto Makabari na chief of staff ni Gierran; Deputy Director, Atty. Jojo Yap na siniraan nang husto dahil sa posisyon niya at isa sa pundasyon ng bureau na si Atty. Jun de Guzman.
Katuwang din si NBI Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin na very workaholic. Magaling na abogado at spontaneous kung sumagot sa media.
Mabuhay ang NBI!
***
Siya nga pala, nagpo-profile na ang NBI sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa mga corrupt na empleyado para i-lifestyle check.
Sa BIR, BOC, LGU, DA, PAGCOR, at Immigration ay iniimbestigahan ang mga opisyal na nagpayaman sa kanilang puwesto.
***
Sa Customs Port of Manila, balitang balita ang ‘palundag’ ng isang notoryus na ismag-ler na si alias Jay-ar Tulentino.
‘Yan ang dapat kasuhan ng economic sabotage!
Maging ang kasabwat sa assessment division ng POM na isang principal appraiser at may kaso sa Ombudsman na si alias Pier 5 Pena Saltik na tabatsoy. Isama na rin ‘yung mga dalagang tabatsoy pero tirador.
Nagyayabang pa ang mga tulisan na hindi kayang buwagin ang sindikato nila dahil nagre-remit daw sila kay Congressman.
Kaya pala ang tawag ngayon sa POM ay congressman assessment?!
PAREHAS – Jimmy Salgado