Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, pinayuhan ni Sylvia: Unahin muna ang sarili

SA pagtuntong ni Ria Atayde ng 25 years old, pinayuhan siya ng inang si Sylvia Sanchez na unahin na ang sarili at kung ano ang makakapag-paligaya sa kanya.

Base sa post ni Ibyang, ”wish ko? Tama ng inuuna mo kahit na sinong mahal mo sa buhay para lang mapasaya mo, kahit ang kapalit niyon, eh, ang sarili mong kaligayahan, naging mabait kang anak, apo, pamangkin, pinsan, at kaibigan, mabait kang bata.

“This time, isipin mo at unahin mo na ang sarili mo, isipin mo kaligayahan mo, tama ng kaka-please ng kahit na sino, ang importante kung ano ang gusto mo at kung ano ang ikagaganda ng future mo at higit sa lahat kung ano ang ikaliligaya mo anak.

“Ang importante rito, ikaw, hindi kami, buhay mo ‘yan, kaligayahan mo ‘yan, kaya ikaw dapat ang masunod kung ano ang gusto mo hindi kami o hindi kahit na sino, basta narito lang kami ng daddy mo, laging susuporta sa lahat ng hangarin mo sa buhay. Abutin mo lahat ng pangarap mo ng wala kang tatapakang kapwa mo at higit sa lahat samahan mo ng dasal mahal na mahal ka namin potpot maligayang kaarawan sayo anak #daughter  #mygreatestlove #myeverything #mylife #family  #blessing #happiness  #priceless #grateful #treasures #thankuLORD”

As of now ay loveless si Ria pero hindi naman siya pinagbabawalan ng magulang, basta ang payo lang na kung pipili siya ng karelasyon ay ‘yung mabait at may respeto sa lahat at siyempre, may trabaho.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …