Digong-Leni parang LQ lang ang gap
Jerry Yap
March 26, 2017
Bulabugin
KINIKILIG daw ang mga manang kapag nakikita nilang magkatabi sa isang okasyon sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at VP Leni Robredo.
Kahit nga sa mga coffee shop pinag-uuspan din na parang may “LQ” (lover’s quarrel) lang ang Pangulo at si Madam VP.
Ibang klase talaga ang Pinoy.
Minsan parang mga political analyst kung magbigay ng opinyon.
Pero mas madalas parang nanonood lang ng teleserye…
Hik hik hik…
Sa totoo labg, kung wala sigurong mga mapanulsol na sulsoltants at yellow urots, palagay natin ‘e magiging very supportive na vice president si Madam Leni kay Tatay Digong.
Ang isang pruweba riyan, ang kawalan ng tensiyon, kapag nagkikita ang dalawang mataas na elected official ng ating bansa.
Hindi gaya noong nakaraang administrasyon na parang hindi mapakali sa kinauupuan si PNoy kapag kasama niya si ex-VP Jojo Binay sa isang okasyon.
Ilang beses na nating napanood sa telebisyon na magkasama sa isang event ang dalawa, pero walang maramdaman na tensiyon at friction.
Nagagawa pang magbiro ng ating Pangulo kay Madam Leni.
Ibig bang sabihin nito na mayroon lamang nagpapainit? Ibig sabihin may nanggagatong?!
Aba, kung ganyan ang sitwasyon, dapat mag-isip-isip si Madam Leni.
Dapat ipakita niya na hindi nagkamali ang mga bumoto sa kanya.
Magtrabaho siya bilang bise presidente!
Hindi ‘yung parang lagi siyang nakikipagbangayan at panay ang banat sa Pangulo.
E biniro na nga siya ni Tatay Digs, kung siya umano ay nagmamadaling maging pangulo, ‘e magpakasal silang dalawa.
Pero joke lang po iyon.
Nito ngang mga nakaraang pagsasalita ni VP Leni laban sa Pangulo, ‘e para nga siyang bato nang bato ng bola sa pader na lagi naman bumabalik at tumatama sa kanya.
Siya ang tinatamaan ng bola at hindi ‘yung sulsoltants at yellow urots na nasa likuran niya.
See, Madam VP?
Ginagawa ka lang nilang pampronta at pansalag para huwag silang tamaan pero ang isinusulsol at ibinubulong nila sa iyong gawin ay pabor sa interes nila at hindi kailanman sa interes ninyo…
Lalong hindi para sa interes ng sambayanan.
Gets mo na Madam?
REKLAMO SA TULAK
NA HINDI NAHUHULI
GOOD pm po, Sir Jerry. Pakikalampag n’yo naman po ‘yung mga pulis sa Precinct 7. ‘Di po nila hinuhuli ‘tong si Rio at Melanie, talamak na tulak d2 sa barangay sa amin. Pati po mga kabataan d2 talamak sa paghithit ng marijuana, kahit sa gitna ng Kalye Almario. Wala rin pong ginagawa ung chairman namin. May warrant of arrest na po ang 2 pero nagtutulak pa rin sa lugar namin. Sana po aksiyonan naman nila itong problema namin na to Sir Jerry. Maraming salamat po? Mabuhay po kayo! Pa-check rin po ‘yung chairman namin d2 sir si Ronnel Galima bakit lagi wala sa barangay. Totoo ba na pumapasok siya sa isang private firm? Pakikalampag rin po n’yo. Muli, maraming salamat po, Sir.
+63921500 – – – –
TRAFFIC AT KOLORUM
SA VITO CRUZ AT PEDRO GIL
TO Manila Mayor Joseph Estrada, ‘yung mga pedicab, tricycles, kuliglig na nagka-counterflow sa Vito Cruz, DLSU at mala2pit na lugar ay nag-triple na imbes mawala. Simula nang mag-operations ang mga pulis- Maynila makalipas lng isang buwan. Mga ningas cogon sila. Baka nagbigay na ng tamang TONG. Ang daming colorum vans sa ilalim ng Pedro Gil na LRT na nagko-cause ng traffic. Matagal na ito ‘di sinasaway ng Manila cops. Bakit? May lagay? Ferdinand Ventayen.
+639755534 – – – –
KIM HENARES
IKULONG
MORNING Ka Jerry, tama ka ‘yang si Kim Henares kapag maliliit ang higpit pero un Mighty Corp., na billion-billion e pinalulusot. Ikulong ‘yan, salamat, mabuhay ka.
– Mr. Jhun of Paco +639289408 – – – –
ILLEGAL TERMINAL
SA PEDRO GIL LRT
GPPD morning sir gerry yap.nais ko po na ireport ang illegal terminal ng mga suv/vans sa taft ave. sa LRT P. Gil station ang dami po nila. nasakop na po nila ang isang lane kAya pag kami po ay sumasakay at bumaba ng bus o jeep sa gitna na po humihinto ang bus at jeep na dapat sana ay sa tabi at nAkadadag pa sila sa matinding trapik. sino po kaya ang ngtatamasa na buwaya na taga city hall sa parating o lagay ng nasabing terminal. sana po maipaabot ninyo ito kAy mayor joseph Estrada. mAraming salamat po! Wag po ninyo ipublish ang # ko.
+63939275 – – – –
MENSAHE SA AKBAYAN
SIR Jerry, panawagan lang sa pasimuno ng AKBAYAN, hindi pasaporte ang karalitaan para “mang-agaw at mag walanghiya.” Ang pabahay na inaangkin ninyo ay nakalaan sa mga kawal at pulis na nagtatrabaho at may suweldo na may kakayahan na bayaran o ibalik ang pera ng bayan na ginastos sa pabahay na ‘yan. Kasalanan ninyo bakit kayo lalong naghihirap “wala na nga kayong trabaho anak pa kayo ng anak!” Pare-pareho kayo na walang natutunang VALUES! Hindi pera ni DU30 ‘yan. Pera namin taxpayers ‘yan, wala na nga kayo naiaambag sa bayan nagpapabigat pa kayo! Mahiya naman kayo!
+63909888 – – – –
GUSTO SI DU30
BUTI si DU30 ang presidente kung Liberal pa rin, siguro masahol pa tayo sa Columbia.
– F.L. VELO +639429501 – – – –
REACTION KAY VP LENI
GOOD am, Sir jerry! Wag n’yong linlangin ang taong bayan katulad ng simbahang Katolika hindi po ung war on drugs ni Digong ang kinokontra ni VP Leni kundi ‘ung pamamaraan ng patayan gamit ang EJK sa pagsugpo sa droga. Yun po ang katotohanan. Sana hindi ka maging biktima o mga kaanak mo sa mga inosenteng nadamay. Salamat.
– Ramon ng Cubao. +639351633 – – – –
Maraming investors ang nag-aalangan mag-invest sa Filipinas dahil sa klase ng war on drugs ni Digong. Buong international community na ang kumokondena sa pama-maraan niya na puro mahihirap ang nabi-biktima.
– Ramon ng Cubao+639351633 – – – –
MANILA POLICE CLEARANCE
MAS MAHAL PA SA NBI?!
GOOD pm Sir, pakibulabog naman kuhaan ng police clearance P300 sa UN Ave, Maynila. Grabe ang mahal. Wala na nga trabaho at pera ang mamamayan sinisingil pa ng P300, sapilitan pa pinakukuha ng card dati po P20 or P70 lang ngayon po P300. Yun NBI clearance P115 lng tapos police clearance P300 ? Ano ‘to hulidap? Salamat po sa pag-aks-yon.
+63997934 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap