GUSTO natin ang bagong pahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga pagkain na inihahanda ng school canteens para sa mga estudyante.
Bawal na ang softdrinks, powdered juice drinks, fish balls at iba pang meryenda na iniluto sa mantika.
Ibabalik ni Secretary Leonor Briones ang meryendang gatas, sariwang sabaw ng buko, nilagang mani at saging at iba pang masusustansiyang pagkain para sa mga bata.
Bukod sa mayroon umano itong long-lasting benefits, bubuti pa ang eating habits ng mga estudyante, teachers at DepEd personnel.
Ang layunin umano ng nasabing memorandum ni Secretary Briones ay upang labanan ang malnutrition at obesity sa hanay ng mga estudyante.
Nakikita natin ang magandang layunin ni Secretary Briones sa kanyang memorandum, pero ang tanong lang natin, kaya bang i-sustain ‘yan?!
‘E ang dami na ring man-made buko juice na inilalagay sa tetrapack o sa bote. Mayroon ding buko na may buko meat pa pero kailangan ay mayroong malaking freezer para hindi ito masira agad.
Ang nilagang mani at saging, puwede ring kamote, ang tanong natin dito, maging affordable naman kaya sa mga estudyante?
Paano kung walang baon ang estudyante?!
Hindi kaya mag-alboroto ang mga school officials at ang mga kooperatiba na kumikita nang malaki sa mga sitseryang itinitinda sa school canteens?
Anyway, ang importante rito mayroong layunin ang DepEd na ayusin ang nutrisyon ng mga bata.
Wish natin na maging matagumpay ito hanggang sa mga susunod na DepEd secretaries.
Good luck Madam Secretary!
HINDI BALE NA LANG!!!
AYAW KAY SANDRA CAM
Grabe naman itong c sandra cam. kung magyabang sa naia, akala mo may pinatunayan na. E lahat nga ng expose nya, walang mapatunayan. Tapos umaarte nang ganyan sa NAIA. Ang dapat sau Sandra Cam, sa bundok dahil hndi ka sibilisadong tao.
+63920556 – – – –
PLASTIK DAW
SI VP LENI
hoy Leni Robredo buking na ang pamumuhay niyong marangya. Ano sbi mo simple kayong tao at mahirap. Plastic ka utot mo taga- Naga din mama ko. Karma ‘yan sa iyo nag-leaks kz mga kamag-anak mo siga na mga adik pa.
+639472918 – – – –
REKLAMO SA GOLD-PEAK COMPANY
(ATTN: DOLE-NLRC at SSS)
Gud morning po un po GOLDPEAK COMPANY diyan sa pagitan ng Orambo at Kapitolyo diyan sa Pasig pakibulabog nyo po. Malimit kulang sahod ng tao wala pati SSS at hndi rin nagbibigay ng 13 month pay. Yan daw po ay colorum n pagmamay-ari ni Dumdum. Kawa2 nman po kami mga tao dyan. C Engr. Wiliam at Safety Richard ang nagpa2sahod at ako naman naputolan ng buto sa binti. Pinipilit nilang mag- work ay ‘di ko pa kaya hndi na nila ako binigyan ng sahod salamat po.
+63909871 – – – –
PANAWAGAN
KAY GUIGUINTO
MAYOR BOY CRUZ