Monday , December 30 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Old school merienda back-to-public schools — DepEd Sec. Briones

GUSTO natin ang bagong pahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga pagkain na inihahanda ng school canteens para sa mga estudyante.

Bawal na ang softdrinks, powdered juice drinks, fish balls at iba pang meryenda na iniluto sa mantika.

Ibabalik ni Secretary Leonor Briones ang meryendang gatas, sariwang sabaw ng buko, nilagang mani at saging at iba pang masusustansiyang pagkain para sa mga bata.

Bukod sa mayroon umano itong long-lasting benefits, bubuti pa ang eating habits ng mga estudyante, teachers at DepEd personnel.

Ang layunin umano ng nasabing memorandum ni Secretary Briones ay upang labanan ang malnutrition at obesity sa hanay ng mga estudyante.

032517 leonor briones deped

Nakikita natin ang magandang layunin ni Secretary Briones sa kanyang memorandum, pero ang tanong lang natin, kaya bang i-sustain ‘yan?!

‘E ang dami na ring man-made buko juice na inilalagay sa tetrapack o sa bote. Mayroon ding buko na may buko meat pa pero kailangan ay mayroong malaking freezer para hindi ito masira agad.

Ang nilagang mani at saging, puwede ring kamote, ang tanong natin dito, maging affordable naman kaya sa mga estudyante?

Paano kung walang baon ang estudyante?!

Hindi kaya mag-alboroto ang mga school officials at ang mga kooperatiba na kumikita nang malaki sa mga sitseryang itinitinda sa school canteens?

Anyway, ang importante rito mayroong layunin ang DepEd na ayusin ang nutrisyon ng mga bata.

Wish natin na maging matagumpay ito hanggang sa mga susunod na DepEd secretaries.

Good luck Madam Secretary!

IMMIGRATION COMMISSIONER
JAIME MORENTE ON THE WAY OUT?

091316-morente-immigration

Gaano kaya katotoo ang umuugong na balitang magkakaroon ng balasahan o revamp sa ilang ahensiya ng pamahalaan?

Kasama raw sa mga magiging casualty ang Bureau of Immigration?

Sus naloko na!

Tila hindi raw kasi satisfied si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negative issues ngayon sa kagawaran.

Kabilang na rito ang pagkakagulo tungkol sa overtime pay ng Immigration employees na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin matugunan.

Nandiyan din ang mga balita na pagkakagulo sa airport bunsod ng reklamo ng mga pasahero sa mahabang pila sa Immigration counters.

Kung ito man ay totoo, hindi ito magandang development ito para sa administrasyon ni Commissioner Jaime Morente.

Tama ba Dong Castillo?

Pilitin man kasing itago ang lumalalang problemang ito, nandiyan pa rin ang ilang mga hindi makapagpigil na isatinig ng kanilang mga hinaing na kadalasang naibubunyag sa madla sa pamamagitan ng social media.

Bagama’t wala naman tayong masamang tinapay at masasabi sa pamumuno ng kasalukuyang Immigration Commissioner, ang mga negatibong ulat tungkol sa pagkakagulo sa Bureau ay nagdudulot ng masamang impact laban sa kanya.

Sa ngayon ay tila wala pa rin linaw kung ano ang kahihinatnan ng problema tungkol sa pagkawala ng overtime pay ng mga empleyado sa BI.

Wala pa rin kasiguruhan sa Malacañang kung tutugon sa apela ng kagawaran lalo sa Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP).

Tila hindi rin lumalambot ang puson ‘este puso ni DBM Secretary Benjamin Joke-no ‘este Diokno tungkol dito?!

Balitang ang napupusuan daw ng ating Pangulo na mamuno sa BI ay isang batang-bata at babaeng abogada na galing din sa angkan ng mga politiko sa Davao na very close sa kanya.

Kasama rin daw ang isang bagong retiradong PNP official sa mga kandidato sa nasabing puwesto.

Pigoy na naman?!

Sana naman, kung may katotohanan ang mga umuugong na balitang ito, magpakita naman sila ng gilas para tugunan muna ang mga kasalukuyang problema ng ahensiya.

Dahil kung ganoon rin lang naman…

HINDI BALE NA LANG!!!
AYAW KAY SANDRA CAM

Grabe naman itong c sandra cam. kung magyabang sa naia, akala mo may pinatunayan na. E lahat nga ng expose nya, walang mapatunayan. Tapos umaarte nang ganyan sa NAIA. Ang dapat sau Sandra Cam, sa bundok dahil hndi ka sibilisadong tao.

+63920556 – – – –

PLASTIK DAW
SI VP LENI

hoy Leni Robredo buking na ang pamumuhay niyong marangya. Ano sbi mo simple kayong tao at mahirap. Plastic ka utot mo taga- Naga din mama ko. Karma ‘yan sa iyo nag-leaks kz mga kamag-anak mo siga na mga adik pa.

+639472918 – – – –

REKLAMO SA GOLD-PEAK COMPANY
(ATTN: DOLE-NLRC at SSS)

Gud morning po un po GOLDPEAK COMPANY diyan sa pagitan ng Orambo at Kapitolyo diyan sa Pasig pakibulabog nyo po. Malimit kulang sahod ng tao wala pati SSS at hndi rin nagbibigay ng 13 month pay. Yan daw po ay colorum n pagmamay-ari ni Dumdum. Kawa2 nman po kami mga tao dyan. C Engr. Wiliam at Safety Richard ang nagpa2sahod at ako naman naputolan ng buto sa binti. Pinipilit nilang mag- work ay ‘di ko pa kaya hndi na nila ako binigyan ng sahod salamat po.

+63909871 – – – –

PANAWAGAN
KAY GUIGUINTO
MAYOR BOY CRUZ

Gandang umaga Ka Jerry baka po puwedeng iparating sa aming mahal na meyor ng Guiguinto, Bulacan Mayor Boy Cruz kung puwede po bigyan ng aksiyon ‘yung mga nagtitinda sa Barangay Cruz, Guiguinto, Bulacan. Sobra na silang nakaaabala sa mga dumaraan halos sakop na nila ang daanan ng mga naglalakad kaya sa gitna na ng kalsada dumaraan ang mga tao kaya ang dulot ay trapik d naman sila nagbabayad sa munisipyo. Mga dayo lang dito mga taga-Bulakan, Bulacan ‘yung iba taga-Bocaue at mga taga-Taytay, Rizal. Sana po maaksiyonan. Puwede naman sila sa riles para walang trapik. Sila pa ang matatapang kung minsan, nakikita naman ng mga enforcer wala sila aksiyon. Dati na sila pinaalis ng mga taga-munisipyo ngayon nagbalikan na naman. Sana maaksiyonan ng aming mahal na meyor ng Guiguinto Boy Cruz. Salamat po.

+639235450 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *