Friday , November 15 2024

Gina Lopez padaraanin sa butas ng karayom ng Commission on Appointments

KATULAD ng inaaasahan ng Usaping Bayan, inupuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao at mga amuyong nito ang papel ni Ms. Gina Lopez sa bicameral Commission on Appointments kaya hindi agad naaprubahan ang appointment bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Dahil dito ay kailangan muling italaga ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Ms. Lopez bilang kanyang kalihim ng DENR at kailangang ipasa niya muli ang kanyang appointment papers sa CA para aprubahan nito. Mabuti na lang at suportado ng pangulo si Ms. Lopez kaya makaaasa tayo na muli siyang irerekomenda sa bicameral CA.

Pero hangga’t malakas ang pagtutol ng mga dambuhalang kompanya ng pagmimina sa pagtatalaga kay Ms. Lopez bilang kalihim ng DENR at hangga’t may mga miyembro ng bicameral CA ang nakikinabang o ibig makinabang sa industriya ng pagmimina sa bansa ay malabong maaprubahan agad ang appointment ni Ms. Lopez. Tiyak na dadaan ito sa butas ng karayom.

Tulad ng mga kompanya na gumagawa ng mga gamot, napakalakas at makapangyarihan ang mga kompanya ng pagmimina sa bansa dahil karamihan dito ay pag-aari ng mga banyaga.

Isipin na lamang na dahil sa presyur ay nagawa ng pamosong boksingerong si Pacquiao at mga amuyong nito, tulad ni Rep. Ronaldo Zamora ng San Juan, na upuan ang appointment papers ni Ms. Lopez sa kabila ng matinding suporta rito ng napakaraming “Green Groups” o mga grupo at indibidwal na mapagmahal sa kalikasan.

Bago itinalaga ni Pangulong Duterte si Ms. Lopez bilang kanyang kalihim para sa DENR ay kilala na siya bilang isang aktibista na nagtatanggol sa kapakanan ng kalikasan. Isa sa kanyang programa bilang pinuno ng DENR ay masusing pagpapatupad ng mga batas sa pagmi-mina sa bansa na ikinainis ng mga dambuhala at banyagang interes sa industriya ng pagmimina.

Napansin ni Ms. Lopez na dahil sa lantarang paglabag sa batas ng maraming kompanya sa pagmimina ay nawasak ang kalikasan sa maraming lugar sa ating bansa na ikinasawi at ikinapinsala ng libong mamamayan.

* * *

Naniniwala ang Usaping Bayan na tamang maging kaibigan ng Filipinas ang lahat ng bansa lalo na ‘yung mga kapit-bansa natin ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na natin palalakasin ang ating hukbo, lalo ang ating air force at navy.

Alalahanin natin na ang salalayan ng mga ugnayan ng mga bansa ay kani-kaniyang inte-res. Hindi malayo na magkakaroon ng mga pagkakataon na maiba ang ating interes sa interes ng ating mga kapit-bansa at maaaring ang pagkakaibang ito ay mauwi sa digmaan.

Iba na ‘yung handa tayo ano’t ano man ang mangyari. Kailangang “pro-active” tayo ‘ika nga.

* * *

Milyon ng mga kababayan ang tumigil sa paninigarilyo ayon sa Department of Health. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *