PacMan knockout kay Sen. Drilon
Jerry Yap
March 23, 2017
Bulabugin
Parang mabibigat na upper hook at left hook ang mga salitang nagliparan sa Senado nang magsagupa ang batikang abogado at betaranong mambabatas na si Senator Franklin Drilon at Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquaio.
“Use your common sense!”
“May common sense ako!”
“Wala kang alam!”
“May alam ako!”
Hahaha!
Inuurirat kasi ni Senator Drilon — isa sa mga pinatalsik na Liberal Party senators ni Manny sa majority group — ang panukalang batas na inihain g boksingero para magkaroon ng Philippine Boxing Commission sa ilalim ng Senate Bill 1306.
Pero hindi umano maintindihan ni Drilon kung ano ang pagkakaiba ng Philippine Boxing Commission sa Games and Amusement Board (GAB) kung ang layunin ng pagbubuo nito ay para masubaybayan umano ang mga boksingerong namamatay na lamang at nakalilimutan na ng pamahalaan.
Pero hindi nagtatama ang argumento ni Drilon at sagot ni Pacman dahil paulit-ulit itong tinutugon ng Pambansang kamao ng “Alam ko ‘yan! Nararamdaman ko ‘yan dahil boksingero ako!”
Hanggang mag-igkasan ang mga salitang, “wala kang common sense” at “wala kang alam.”Kaya hayun parang talipapang nagsasalimbayan ang kanilang mga boses at tungayawan.
Pero in the end, knockout si Manny The Boxer kay Big Boy Drilon.
Kasi naman, interpellation ‘yan.
Nasaan ang sandamakmak na legal advisers at sulsoltants ‘este consultants ni Senator Manny?!
Hindi man lang ba kayo nag-review o nag-role playing para naman nakapaghain ng logical na sagot si Senator Manny sa isinusulong niyang panukalang batas?!
Top ten board passer ‘yung senador na ka-argumento ng Senador na ipinasa ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanilang programang Acceleration or Accreditation and Equivalency Test mula Grade VI patungong college.
Pagkatapos ma-accelerate, hayun sumabak pa sa relihiyon, kaya nagkaloko-loko raw lalo ang method of thinking…
Resulta, KNOCKOUT si Pacman kay Drilon!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap