Friday , December 27 2024

Iba ang tinitingnan sa may tinititigan?! (Trato ng PNP kay David Lim Jr.,)

IBA talaga kapag may pera ka, malaking pamilya at may impluwensiya.

Ganyan daw kasuwerte si Cebu rage road suspect David Lim, Jr., ang pamangkin ng sinabing drug lord na si Peter Lim.

Kung ‘yung ibang humahawak ng baril na walang kaabog-abog na ipinuputok sa kanilang nakaaa-argumento kapag nahuhuli ng pulis ‘e inaabot ng bugbog sa kulungan at kung minsan ay ‘naang-aagaw pa ng baril’ kaya pinuputukan hanggang mategas…

Kay David Lim, Jr., iba ang trato.

Disente at de-numero ang pagsuko…pagkatapos magpasikat sa kanyang dyowa at mamaril ng kapwa motorista.

Nakipag-communicate raw kasi ang mother dear  ni Lim Jr., kay Special Assistant to the President (SAP) Secretary Christopher “Bong” Go at sinabing susuko na ang kanyang anak.

Kaya naman ini-advice umano ni SAP Bong si Mrs. Lim na sumuko kay PNP Regional Commander, C/Supt. Noli Taliño.

Ganito umano ang sagot ni Mrs. Lim: “Sir Bong, the family decided to follow your advise to surrender my son David Lim Jr to the regional commander Chief Superintendent Noli Talino tomorrow… Pls help us facilitate his surrender n safety.”

Napakasuwerteng tunay nga naman…

Hindi naman natin wini-wish na sana ‘e ‘mang-agaw ng baril’ si David Lim, Jr.

Ang sinasabi lang natin, sana kung sumuko na siya, ilagay sa kung saan siya nararapat. Naisip ba nila kung ano nararamdaman ng biktima ni David Lim, Jr.?

Hindi ‘yung doon siya inilagay sa opisina ni Gen. Taliño — sa malamig na opisina ng regional commander.

Saraaap buhay!

Kung hindi pa nabisto ng media ‘yan, baka hanggang makapagpiyansa si Lim Jr., ‘e doon na siya i-hold sa opisina ni Gen. Taliño bago nilipat sa regular jail.

Nasa jail nga pero exclusive sa iisang selda na siya lang ang naroroon?!

Sonabagan!!!

Ang dami ngang nakakulong, piyansa lang ang kulang, pero dahil walang pera, hindi makalabas.

Isa pang suwerte ni Lim Jr., frustrated murder lang ang ikinaso, kaya bailable ‘yan.

Ibig sasabihin makakalaya siya at hindi siya mahohoyo nang matagal.

Hay ganyan ba talaga, ang tinatawag na suwerte?!

Anyway, nasabit na naman ang pangalan ni SAP Bong Go sa insidenteng ito.

Hay, napakabait masyado ni SAP Bong kaya lahat yata nang lumapit sa kanya hindi tinatanggihan.

Huwag naman sanang abusuhun ito ng mga lumalapit sa kanya.

Anyway, naniniwala ba kayong mga kabulabog na walang special treatment kay cowboy David Lim?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *