Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Iba ang tinitingnan sa may tinititigan?! (Trato ng PNP kay David Lim Jr.,)

IBA talaga kapag may pera ka, malaking pamilya at may impluwensiya.

Ganyan daw kasuwerte si Cebu rage road suspect David Lim, Jr., ang pamangkin ng sinabing drug lord na si Peter Lim.

Kung ‘yung ibang humahawak ng baril na walang kaabog-abog na ipinuputok sa kanilang nakaaa-argumento kapag nahuhuli ng pulis ‘e inaabot ng bugbog sa kulungan at kung minsan ay ‘naang-aagaw pa ng baril’ kaya pinuputukan hanggang mategas…

Kay David Lim, Jr., iba ang trato.

Disente at de-numero ang pagsuko…pagkatapos magpasikat sa kanyang dyowa at mamaril ng kapwa motorista.

Nakipag-communicate raw kasi ang mother dear  ni Lim Jr., kay Special Assistant to the President (SAP) Secretary Christopher “Bong” Go at sinabing susuko na ang kanyang anak.

Kaya naman ini-advice umano ni SAP Bong si Mrs. Lim na sumuko kay PNP Regional Commander, C/Supt. Noli Taliño.

Ganito umano ang sagot ni Mrs. Lim: “Sir Bong, the family decided to follow your advise to surrender my son David Lim Jr to the regional commander Chief Superintendent Noli Talino tomorrow… Pls help us facilitate his surrender n safety.”

Napakasuwerteng tunay nga naman…

Hindi naman natin wini-wish na sana ‘e ‘mang-agaw ng baril’ si David Lim, Jr.

Ang sinasabi lang natin, sana kung sumuko na siya, ilagay sa kung saan siya nararapat. Naisip ba nila kung ano nararamdaman ng biktima ni David Lim, Jr.?

032317 David Lim Jr road rage

Hindi ‘yung doon siya inilagay sa opisina ni Gen. Taliño — sa malamig na opisina ng regional commander.

Saraaap buhay!

Kung hindi pa nabisto ng media ‘yan, baka hanggang makapagpiyansa si Lim Jr., ‘e doon na siya i-hold sa opisina ni Gen. Taliño bago nilipat sa regular jail.

Nasa jail nga pero exclusive sa iisang selda na siya lang ang naroroon?!

Sonabagan!!!

Ang dami ngang nakakulong, piyansa lang ang kulang, pero dahil walang pera, hindi makalabas.

Isa pang suwerte ni Lim Jr., frustrated murder lang ang ikinaso, kaya bailable ‘yan.

Ibig sasabihin makakalaya siya at hindi siya mahohoyo nang matagal.

Hay ganyan ba talaga, ang tinatawag na suwerte?!

Anyway, nasabit na naman ang pangalan ni SAP Bong Go sa insidenteng ito.

Hay, napakabait masyado ni SAP Bong kaya lahat yata nang lumapit sa kanya hindi tinatanggihan.

Huwag naman sanang abusuhun ito ng mga lumalapit sa kanya.

Anyway, naniniwala ba kayong mga kabulabog na walang special treatment kay cowboy David Lim?!

PACMAN KNOCKOUT
KAY SEN. DRILON

072316 pacman drilon

Parang mabibigat na upper hook at left hook ang mga salitang nagliparan sa Senado nang magsagupa ang batikang abogado at betaranong mambabatas na si Senator Franklin Drilon at Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquaio.

“Use your common sense!”

“May common sense ako!”

“Wala kang alam!”

“May alam ako!”

Hahaha!

Inuurirat kasi ni Senator Drilon — isa sa mga pinatalsik na Liberal Party senators ni Manny sa majority group — ang panukalang batas na inihain g boksingero para magkaroon ng Philippine Boxing Commission sa ilalim ng Senate Bill 1306.

Pero hindi umano maintindihan ni Drilon kung ano ang pagkakaiba ng Philippine Boxing Commission sa Games and Amusement Board (GAB) kung ang layunin ng pagbubuo nito ay para masubaybayan umano ang mga boksingerong namamatay na lamang at nakalilimutan na ng pamahalaan.

Pero hindi nagtatama ang argumento ni Drilon at sagot ni Pacman dahil paulit-ulit itong tinutugon ng Pambansang kamao ng “Alam ko ‘yan! Nararamdaman ko ‘yan dahil boksingero ako!”

Hanggang mag-igkasan ang mga salitang, “wala kang common sense” at “wala kang alam.”Kaya  hayun parang talipapang nagsasalimbayan ang kanilang mga boses at tungayawan.

Pero in the end, knockout si Manny The Boxer kay Big Boy Drilon.

Kasi naman, interpellation ‘yan.

Nasaan ang sandamakmak na legal advisers at sulsoltants ‘este consultants ni Senator Manny?!

Hindi man lang ba kayo nag-review o nag-role playing para naman nakapaghain ng logical na sagot si Senator Manny sa isinusulong niyang panukalang batas?!

Top ten board passer ‘yung senador na ka-argumento ng Senador na ipinasa ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanilang programang Acceleration or Accreditation and Equivalency Test mula Grade VI patungong college.

Pagkatapos ma-accelerate, hayun sumabak pa sa relihiyon, kaya nagkaloko-loko raw lalo ang method of thinking…

Resulta, KNOCKOUT si Pacman kay Drilon!

1st TACTICAL & SURVIVAL
EXPO ISASAGAWA SA FILIPINAS

032317 Tactical and Survival Expo

ISASAGAWA sa Filipinas ang kauna-unahang Tactical and Survival Expo na layuning turuan ang bawat indibidwal at pamilya kung paano proteksiyonan ang sarili at pamilya gayondin ang ari-arian sa panahon ng sakuna at ano mang banta sa buhay.

Ayon kay Gina Marie G. Angangco, Senior Executive Vice President at Deputy Chief Executive Officer (CEO) ng Armscor, napapanahon ang 1st Tactical and Survivor Expo na magtuturo sa bawat Filipino ng mga taktika at paraan upang mailigtas ang sarili at pamilya sa mga pagkakataon ng pangangailangan.

Sinabi ni Angangco, ang 1st tactical and survival expo ay lalahukan ng mga eksperto at mga manufacturer ng iba’t ibang armas na magbabahagi ng kanilang kaalaman sa paghahanda sa sakuna, banta sa seguridad at proteksiyon sa tahanan laban sa magnanakaw at iba pa.

Ang 1st Tactical and Survival Expo ay isasagawa sa SM Megamall, Megatrade Hall 1-3,  sa darating na June 1-4  at may tema na safety, security and survival show for sustainable living.

“Paghandaan natin ang anomang sakuna at banta sa buhay, halina at samahan po ninyo kami sa kauna-unahang tactical and survival expo,” ani Gina Marie G. Angangco, SEVP at Deputy CEO ng Armscor.

Para sa mga interesadong dumalo o may katanungan
sa 1st Tactical and Survival Expo
maari pong tumawag sa telepono ng Armscor 941.62.43 loc. 150.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *