Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yen, ikinaloka ang pag-uugnay sa kanila ni Direk Dondon

BAKIT kaya lapitin ng intriga si Yen Santos? Bago siya ma-link sa mga politiko ay sa direktor na si Dondon Santos naman ikinakabit ang pangalan niya dahil nga bakit sa rami ng artistang babae sa ABS-CBN ay siya ang pinili para maging leading lady ni Piolo Pascual sa Northern Lights  A Journey to Love mula sa Regal Entertainment.

Matatandaang nagkatrabaho sina direk Dondon at Yen sa All of Me noong 2015 kasama sina Albert Martinez, Aaron Villaflor, at JM de Guzman.

Tumatawang sabi ni Yen, “nakakalokah ‘yon! Laslas na ako! Charot!! Pero ­wala talaga, wala po.”

Nabanggit ng aktres na may pamilya na si direk Don, katunayan, kakilala niya ang asawa nitong taga-It’s Showtime dahil naggi-guest siya sa programa.

Samantala, ibinuking ni Yen ang sarili na sobra siyang starstruck kay Piolo at dumating pa sa puntong hindi siya makaarte dahil sa sobrang hiya na hindi malaman ang gagawin kaya napagsabihan siya ni direk Dondon na de metro ang shooting nila sa New Zealand dahil nga limitado ang oras.

Maging si Piolo ay pinagsabihan din siya kaya lalong nahiya ang dalaga sa kaparehang aktor.

Mapapanood na ang Northern Lights A Journey to Love sa Marso 29 nationwide mula sa Regal Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …