Monday , December 23 2024

Sandara, ipinagtanggol ang Pilipinas

NAKATUTUWA si Sandara Park dahil todo pagtatanggol niya sa Pilipinas base sa viral video na may 717,827 views na in-upload ng Team Philippines.

Sa programang Battle Trip na ipinalalabas sa Korea ay ipinakita ni Sandara ang kagandahan ng Pilipinas.

Sabi ni Dara, “One of the reasons why I introduce the Philippines to ‘Battle Trip’ is people always ask me about the Philippines, ‘Isn’t it dangerous? I hear public safety is poor? They always ask me that.

“It’s just that unfortunate incidents are shown in the news, I wanted to show that, it’s not dangerous at all.”

Sa salitang Korean ay ipinakita ni Sandara ang napakagandang bundok na pawang kulay berde ang lahat ng puno at noong nakarating na sila sa tuktok ng bundok ay uminom sila ng fresh buko juice.

Ipinakita rin ng TV host/singer ang Balicasag Island Dive Resort sa Panglao, Bohol na nililibot ang malinaw at kulay asul na tubig habang nakasakay sila sa balsa.

Hindi naman masisisi si Sandara na iba ang tingin ng kababayan niya sa bansang Pilipinas dahil hindi pa naman nila naranasang tumira rito hindi katulad ng dalaga na pangalawang tirahan niya ang ‘Pinas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *