Thursday , October 10 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

e-Passports ginamit na rason ng APO-PU para libreng makapag-‘world tour’?!

HINDI natin alam kung low IQ ba ang mga taga-Asian Productivity Organization-Production Unit Inc. (APO-PU) o metikuloso o talagang magugulang lang sila?!

Kasi ba naman nang mapunta sa kanila ang printing ng e-passport kinailangan pang mag-around the world ng mga taga-APO-PU.

Ayon sa ilang insider, hinati pa umano sa apat na grupo ang APO promo force — tig-iisang grupo sa North Africa, Middle East, Europe, at Asia.

Napaka-komplikado ba ng e-passport at napakahirap intindihin para gumastos nang malaki ang APO-PU sa kanilang pagbiyahe sa buong mundo?

Wattafak!?

Kaya ang running joke nga raw ngayon diyan sa e-passport printing na ‘yan ng APO-PU: “Join the government and see the world!”

Hindi po sa government per se, kundi sa government owned and controlled corporation (GOCC) APO PU mismo!

Ang nakatatawa pa rito, kapag nagkikita sa eroplano ang mga taga-APO-PU na karamihan ay appointees pa ng dating administrasyon, nag-iiwasan pa kunwari na hindi sila magkakakilala. King enuh style n’yo?!

Nag-iiwasan pa kunwari ‘e ang rason naman daw ng kanilang paglabas ng bansa ‘e para pag-aralan ang iba’t ibang embahada at consular offices para sa e-passport program.

Hindi naman kayo nanalo ng acting award pero ang gagaling ninyong magkunwari?!

082616 immigration passport plane

E paano hindi mag-uumpugan sa eroplano ‘yang mga ‘yan, ‘e full-fledged task force ang pinabibiyahe na ginagastusan nang milyon-milyong kuwarta?!

Sonabagan!

‘Yan daw ‘e para maging ‘full-swing’ ang pag-iimprenta ng e-passport.

Naks ha?!

Full-swing ba ‘yang 90 araw bago i-release ang e-passport?!

Mas mabuti pa ‘yung panahon na nasa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-iimprenta at naniningil lamang ng P500.

Mura na mabilis pa ang serbisyo.

Siyempre palusot na sasabihin nila, e konti pa lang ang kumukuha ng passport noong araw. Naiintindihan natin ‘yun.

Pero ‘yung gastos na P400 at singilin ng P950–P1,200 hindi ba sobrang gahaman na ‘yun?

Naranasan mismo ‘yan ni naunsiyaming Foreign Affairs Secretary Perfecto “Jun” Yasay. Sa labas ng Filipinas, ang presyo sa pagkuha ng e-passport ay umaabot sa $70. Sa current exchange rate na P50.50:$1, ito ay halos P3,500. ‘E akala ba natin non-stock, non-profit ‘yang APO-PU?! E bakit parang nagpapala ng kuwarta kung magpatong ng presyo sa e-passport?

Uulitin natin, nakatatanggap ang DFA ng tinatayang 17,000 passport applications sa isang araw.

Sa tulong ng online solutions, ang applications ay 24/7, kaya nakapagpo-process ang DFA ng tinatayang 5.1 milyon kada taon.

Ang halaga ng Philippine passport ngayon ay hindi bumababa sa P950 bawat isa (P1,200 nga kay Sir Jun Yasay). Ang DFA, APO at UGEC ay kumikita ng P500 sa bawat passport na naire-release. Kung imu-multiply ito sa output na 5.1 milyon kada taon, wow! tumataginting na P2.55 bilyon ang kita ng mga henyo.

At dahil 10 taon ang kontrata, ang APO-PU at UGEC ay nagkakamal ng P25.5 bilyon sa ilalim ng 10-90 scheme.

Hindi lang tibang-tiba — tibang-tibang-tiba ang mga henyong nag-isip nito. Pero sabi nga, hindi laging mainam ang lagay ng panahon lalo kung nagtatanim ng unos at bagyo…

Sa kasalukuyan ay masusing binubusisi ng Commission on Audit (COA) ang libro ng APO-PU. Nadiskubre umano ng COA ang kuwestiyonableng disbursement o paglalabas ng pera kasama ang fat commissions at consultancy fees na ibinayad sa mga multo o walang mukhang personalidad sa maraming mga taon. Natuklasan din ng Commission ang kahina-hinalang procurements at mga kontrata na pinasok ng APO-PU nang walang kaukulang bidding process na itinatadhana ng batas.

Naghain na ng plunder at graft charges ang organized group laban kay dating Presidential Spokesman Herminio Colokoy ‘este Coloma na nagsilbing Supervisor sa APO-PU o bilang Presidential Communications Operation Office (PCOO) chief sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang tanong ulit: ano na ang status ng nasabing reklamo?!

Senator Alan Peter Cayetano, ano na ba talaga ang nangyayari?

Bilyon-bilyong korupsiyon po ‘yan sa e-passport!

Paging Ombudsman!

MPD BAKIT ‘KAMOTE’
SA RIDING IN-TANDEM!?

SINISIYASAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang kotse na tadtad ng tama ng bala, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang lady cop na si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD Sta. Cruz Police Station 3, Barbosa PCP, sa Claro M. Recto Ave. kanto ng Rizal Ave. sa Sta. Cruz, Maynila.                                                                           (BRIAN BILASANO/BONG SON)
SINISIYASAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang kotse na tadtad ng tama ng bala, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang lady cop na si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD Sta. Cruz Police Station 3, Barbosa PCP, sa Claro M. Recto Ave. kanto ng Rizal Ave. sa Sta. Cruz, Maynila. (BRIAN BILASANO / BONG SON)

ISANG policewoman ang itinumba sa Maynila bago maghatinggabi nitong Linggo.

Pinagbabaril ng riding in-tandem sa C.M. Recto Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD-Barbosa PCP, at residente sa Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila, sakop ng Brgy. 314, Zone 31.

Dinala sa ospital si Alafriz, pero idineklarang dead on arrival.

Papasok si Alafriz para mag-duty sa MPD-Barbosa PCP pero hindi na nakapasok dahil nga sa ambush.

Masikip ang trapiko sa nasabing lugar pero nakapagtatakang nakaeskapo nang mabilis ang riding in-tandem.

As usual, natakasan na naman ang Manila Police District (MPD). Nasaan ang mga pulis na nakatalaga sa lugar na ‘yan?

Ilang metro lang din ang layo niyan sa MPD Sta. Cruz Station (PS3).

Nasaan ang mga lespu mo sa PS3 MPD director Gen. Jigz Coronel? Hindi man lang ba nila narinig ang sunod-sunod na putok?!

Anong alas ba ang hawak ni PO1 Jorsan Marie Alafriz at kailangan siyang itumba? Alam na kaya ng mga imbestigador ninyo Gen. Coronel?

Sabi nga ng isang beteranong pulis-Maynila, “What’s happening at MPD?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *