Monday , December 23 2024

Life in Guam is very Pacific

Nasa Western Pacific Ocean ang Guam. Isang maliit na isla na ngayon ay deklaradong sakop ng teritoryo ng Estados Unidos.

Nitong nakaraang weekend, isinama tayo ng isang kaanak sa Guam, bilang isang regalo.

Kung ikokompara rito sa ating bansa, parang Subic Bay lang ang Guam. Isang tahimik, higit na malinis, maunlad at mapayapang Subic.

Halos magkapitbahay lang ang Hawaii at Guam. Ang Hawaii ang 50th state ng Amerika, kaya marami ang naniniwala na kung magkakaroon ng 51st o 52nd state, Guam ang nararapat para rito.

Pero mayroong mithiin ang Guam na maging independiyenteng teritoryo, gaya sa Northern Marianas Islands. Kung hindi tayo nagkakamali ay tinatalakay ngayon ito sa US Congress.

Historically, ang Guam ay ibinilang ni Ferdinand Magallanes (Magellan) bilang bahagi ng Filipinas nang sakupin nila ito. Pero nang ipagbili ng España ang Filipinas sa Amerika, isinama ng mga Kano ang Guam bilang kanila.

Narito ngayon ang isa sa mga estratehikong US Military Base ng kanilang bansa.

Ang kapitolyo nito ay Hagatna (Hagana). Kapag nasa Guam, hindi maninibago ang isang Pinoy.

Marami kasing Filipino ang doon na naninirahan sa mahabang panahon.

Mula sa Airport hanggang sa mga hotel, makikita ang mga pamilyar na mukha ng mga Pinoy.

Ang mga nagmamaneho roon ng taxi karamihan ay Pinoy. Sila rin ang may-ari ng minamaneho nilang taxi.

Isa  sa mga nakausap natin ay halos 25 years na siyang naninirahan doon. At gusto nila ang buhay doon. Simpleng-simple.

Napag-aaral ang kanilang mga anak sa mga pribadong paaralan at maayos ang sistema ng kalusugan. Kung wala kang trabaho ay may food coupon ka kada buwan. At ihahanap ka ng gob-yerno ng trabahong akma sa ‘yo.

Hindi magulo dahil halos walang krimen.

Sino ba naman ang magtatangkang gumawa ng krimen doon ‘e madali lang mahuhuli ng mga awtoridad. Baka hindi pa nakararating sa Airport o sa Pier ‘e huli na agad.

Kaya ang mga pulis doon, nasa estasyon lang nila basta’t ang importante madali silang magresponde.

Hindi rin magulo ang politika nila.

Inirerespeto nila kung sino ang ibinoto ng majority at nagkakamayan matapos ang eleksiyon. Hindi kagaya rito sa ating bansa, matagal nang tapos ang eleksiyon ay nagbabanatan at nagbabangayan pa rin.

Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit ang mga Pinoy na napadpad doon ay hindi na nangangarap na bumalik pa sa Filipinas…

Ang buhay sa Guam ay kasing payapa ng Pacific Ocean.

Bo. OBRERO ISTAMBAYAN
AT DINARAYO NG MGA GANG
YOUTH NG HERMOSA!

GOOD pm sir, pakibulabog naman po ang mga barangay dito sa aming lugar sa R. Papa gaya sa Brgy. 187 Zone 17 at mga katabing brgy na boundary ng Caloocan at Maynila sir. Dahil tuwing sasapit ang disoras ng gabi mula alas 11 hanggang madaling araw ay palakad-lakad at pagala-gala ang mga istambay na grupo ng mga kabataan na may mga kasamang mga kababaihan pa. Paikot-ikot rin ang maiingay na motorsiklo ng mga barkada nilang mga gang youth mula Hermosa na nakakapeprehuwisyo dito sa aming lugar.

+639168266 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *