Kung mai-impeach si VP Leni Robredo (Sen. Koko puwedeng masikwat ang VP)
Jerry Yap
March 21, 2017
Bulabugin
KAYA maraming political strategist ang nagpaparaktis at nagpapaka-henyo rito sa ating bansang Filipinas dahil kakaiba talaga ang takbo ng mga politiko rito.
May nagsampa ng impeachment kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Pero nabisto agad na ang promotor ay dilaw na kulto kasabwat umano ang nagpopondo kay Madam Leni na sina Loida Nicolas Lewis at George Soros.
At dahil ito ay malinaw na pakikipagsabwatan umano para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Digong, kaya binuweltahan ‘este sinampahan naman ng impeachment ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez si VP Leni.
Hindi naman kasi natin maintindihan kung bakit ganyan ang politika sa ating bansa.
Sinuportahan at ibinoto ng 16 milyong Filipino ang ating Pangulo. Hanggang ngayon, kahit maraming umuupak sa kanyang drug war ay hindi nagbabago ang pagtingin sa kanya ng mga sumuporta at bumoto.
Kahit sunod-sunod pa ang tirada ng mga international human rights group kuno.
Hindi nagbabago ang pagtingin at paghanga sa kanya ng 16 milyong Filipino na bumoto sa kanya.
Kaya hindi natin maintindihan kung bakit walang tigil at walang puknat ang pagnanasa ng dilaw na kulto sa pangunguna ng Liberal Party na ibagsak ang administrasyon ni Duterte.
Iniisip tuloy natin na ninenerbiyos ang mga nasa dilaw na kulto lalo ngayong nalalantad na ang mga katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan noong panahon ng dating administrasyon.
Kaya nagmamadali silang ‘tapusin’ ang administrasyon ni Tatay Digs.
Aba ‘e kapag nagkataon, uupong bise presidente (raw) si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III maliban kung hindi magpapatawag ng eleksiyon para sa bise presidente.
At ‘yan ‘e kung ma-impeach si Madam Leni.
How about the protest of Senator Bongbong Marcos? Papayag ba siyang walang mangyari sa protestang inihain niya sa Presidential Electoral Tribunal (PET)?
Siyempre hindi.
Kung ano ang susunod na kaganapan sa Impeach Leni ni Speaker Alvarez…
‘Yan ang aabangan nating lahat!
Bo. OBRERO ISTAMBAYAN
AT DINARAYO NG MGA GANG
YOUTH NG HERMOSA!
GOOD pm sir, pakibulabog naman po ang mga barangay dito sa aming lugar sa R. Papa gaya sa Brgy. 187 Zone 17 at mga katabing brgy na boundary ng Caloocan at Maynila sir. Dahil tuwing sasapit ang disoras ng gabi mula alas 11 hanggang madaling araw ay palakad-lakad at pagala-gala ang mga istambay na grupo ng mga kabataan na may mga kasamang mga kababaihan pa. Paikot-ikot rin ang maiingay na motorsiklo ng mga barkada nilang mga gang youth mula Hermosa na nakakapeprehuwisyo dito sa aming lugar.
+639168266 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap