Saturday , November 23 2024

Huli mo bantay mo

ANG Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) under Director Neil “Star” Estrella ay patuloy na hinahanap  ang mga lungga na pinag-iimbakan ng mga smuggle at huwad na mga paninda/kargamento sa Metro Manila.

Puro positibo at matagumpay ang kanilang operasyon laban sa smuggling sa loob at labas ng Customs.

Ang concern lang ng mga tauhan o ahente ng CIIS na sumasagupa at sumasalakay sa mga bodega o warehouses at stall owners kung sila ba ay covered ng life insurance or hazard pay during the actual operations?

According to my information, ang CIIS agents are  assigned also to guard ang mga nahuling bodega.

Bakit?

Hindi ba ang dapat magbantay dito ay mga ESS (customs police in uniform)?

Balita kasi sa Aduana, may isang sistema sa customs for  a long time, ang umiiral na kalakaran sa pagitan ng CIIS at ESS.

Ito ang “Huli mo, bantay mo!”

Hindi ba ang dapat ay mga customs police ang ma-assign to guard and protect the interest of Customs?

Tama ba o mali ang sistemang ito na umiiral that need to be address by the Commissioner of Customs?

Kung ako ang tatanungin, 100% disagree ako sa sistemang ito.

Hindi ba nalalagay sa peligro ang CIIS agents na nagbabantay ng mga nahuling bodega na naglalaman ng smuggled goods?

Mas mainam na magka-tandem ang Customs police at CIIS for strong security measure laban sa mga ilegalista.

Serbisyo publiko lang po.

PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *