Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imbitado kayo sa Peter-Gloria nuptial sa “The Greatest Love”

Matitinding komprontansiyon na naman ang magaganap sa episode this week, sa inyong sinusubaybayang awarded drama series na “The Greatest Love” at ito’y sa pagitan ng mag-inang Amanda (Dimples Romana) at Gloria (Sylvia Sanchez).

Nalaman kasi ni Amanda ang nangyari noon kay Gloria na tinangka niyang ipalaglag ang anak pero komprontahin niya ay sinabihan siyang mahal siya nito.

Pero sa kabila ng hindi matigil na gusot sa mag-ina ay tuloy ang imbitasyon ng TGL, sa Peter-Gloria Nuptial na inyong mapapanood.

Huwag ninyong palalagpasin ang “isang sumpaan na ‘di makalilimutan” sa kasalang ito. Ang tanong, dadaluhan ba ito ng buong pa-milya ni Gloria o iisnabin ng kanyang panganay na si Amanda?

Samantala, muli na namang nagkamit ng para-ngal ang “The Greatest Love” bilang Best Daytime Series sa katatapos lang na Students Choice Mass Awards ng “Eastern Visayas State University.”

Napapanood ang TGL, Monday to Friday after The Better Half on Kapamilya Gold.

“A Love To Last” merchandise and
collectabaleitems mabibili na sa Malls
TONDENG (ANTON-ANDENG)
GINUGULO NI IZA CALZADO

Natikman namin ang ibinigay sa aming popcorn ng staff ng Star Creatives na gawa ni Chef Tony at wow sobrang sarap nito at hindi nakauumay kainin.

Ang Chef Tony’s Popcorn ay kabilang sa mabibiling merchandise at collectable items ng “A Love To Last” tulad ng shirts, teddy bears, cho-colates at pillows na mabibili ninyo sa ABS-CBN Store sa Ground Floor ng ELJ Bldg at online www.abs-cbnstore.com ganoon na rin sa ilang malls tulad ng Trinoma, Market Market, Glorietta, Fisher Mall at Robinson’s Place Ermita.

Sa kanilang episode tonight ay mukhang tuloy-tuloy na ang panggugulo ni Grace (Iza Calzado) sa ex-hubby na si Engr. Anton at bagong karelasyon na si Andeng (Bea Alonzo).

Kunwari ay sakdal linis ang hitad ‘e may ka-live in rin namang guy sa katauhan ni Mark (Troy Montero). Masisira kaya niya ang magandang relasyon ng TonDeng (Anton-Andeng) lalo’t love na ng kanyang mga anak na sina Chloe (Julia Barretto) at Kitty (Hannah Lopez-Vito) si Andeng at super in-love si Anton sa nobyang Batangueña.

Ang lalaking anak nila ni Anton na si Lucas (Juan Karlos Labajo) ang tanging kakampi ni Grace at magiging sagabal rin sa pakikipagrelas-yon ng ama kay Andeng.

Palong-palo pa rin sa mataas nilang  ratings ang A Love To Last na consistent sa pagiging number one most watched show sa iWant TV na may mahigit 700,000 views.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …