Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tama si Pangulong Digong Duterte

MAGANDA ang ginagawa ng PNP sa pamumuno ni Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa dahil hinikayat niya ang simbahang Katoliko na sumama sa anti-drug war reloaded upang lalong maiayos nang mabuti para sa bayan.

Pero ayaw naman ng simbahang Katoliko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Iniaabot ni Pangulong Duterte ang kamay niya para sa pagkakaisa, e marami pa silang tsetse buretse sila?

Puro pagbatikos na lang ba ang ang gusto nilang gawin?

Give President Duterte a chance.

Kung walang Duterte ngayon, masasawata ba ang ilegal na droga?

Kumalat ang droga dahil maraming kasabwat na politiko at pulis.

Suportahan pa natin ang laban ni Tatay Digong laban sa droga!

***

Patuloy pa rin ang anti-criminality operation ng NBI sa pangunguna ni Director Atty. Dante Gierran.

Binatikos na meron daw VIP treatment kay Deputy Ragos kaya lalo pa niyang pinahigpitan ang pagbabantay 24/7.

Mahigpit ang order na ‘wag makita na makikihalubilo ang guards ng NBI lalo sa mga high profiles inmates, gaya ni Ragos.

‘Yan si Gierran, tamang prinsipyo ang ipina-patupad!

***

Bakit ganoon ang nangyari sa BOC Port of Manila, maraming nakaposisyon nga-yon sa assessment division na may mga kaso sa Ombudsman!?

Kagaya na lang ng isang alyas Pena Papel?

‘Yung iba naman ay identified na tirador.

Isa pa ang isang alyas Al Kapon na ginirlpren ang amo niya na abogada, na may asawa para makinabang sa pera niya na daang milyon.

Si Al Kapon ay kilalang tirador ng mga broker na may diperensiya ang kargamento.

Ito ang dapat unang sampalin ni President Duterte!

Nakadidiri ang mga ‘yan!

***

Si Customs EG Depcom Ariel Nepomuceno ay isang opisyal na kailanman ay hindi ugaling manira ng kapwa niya opisyal sa customs.

Si Nepomuceno ay walang dungis ng corruption at hindi kailan man tumara sa mga importer at brokers.

May sarili siyang lehitimong negosyo kaya hindi niya kailangan ang perang galing sa pango-ngotong.

Trabahong tapat lang siya para matulungan ang bansa at si Pangulong Digong.

Kaya kahit saan siya pumunta ay respetado siya.

Mabigat ang responsibilidad niya dahil naka-concentrate siya laban sa ilegal na  droga base sa kautusan ni Pangulong Digong.

Depcom Ariel you’re the best.

Mabuhay ka!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …