MAGANDANG balita sa mahigit tatlong milyong overseas Filipino workers (OFWs)…
Simula sa susunod na buwan, Abril 2017, hindi na magbabayad ng P550 terminal fee sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang OFWs.
Bukas, Miyerkoles, 15 Marso 2017, si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at lahat ng airline officials o mga kinatawan nila ay lalagda sa Memorandum of Agreement (MOA) na wala nang babayarang terminal fee ang OFWs.
Isa sa mga natutuwa sa bagong development na ito ay walang iba kundi si GM Ed Monreal.
Talaga kasing trinabaho ni GM Ed ang bagay na ‘yan at nakipag-ugnayan siya sa international airlines para tuluyang matanggal ang airport terminal fee na ipinataw ng nakaraang administrasyon sa OFWs noong Pebrero 2015.
‘Yan ay isa sa mga regalo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ating mga kababayang OFWs bilang pagkilala sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com