Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibyang, pagkatapos umihi, mapu-poo naman

NAKU, Ateng Maricris tiyak na iiyak ka na naman kapag napanood mo ang paborito mong seryeng The Greatest Love dahil may eksena si Gloria na ikaloloka mo.

Sa nakaraang Asalto dinner ni Art Atayde noong Biyernes ay may mahigpit na bilin sa amin si Sylvia Sanchez na kailangang mapanood namin ang episode ng The Greatest Love dahil tiyak na sasakit na naman ang kalooban namin sa eksena niya.

Bilin ng aktres sa amin, “huwag na huwag mong hindi panoorin ang ‘The Greatest Love’ sa Martes, dahil tiyak na iiyak ka na naman. Kung nakaiiyak ‘yung ibang napanood na, mas iiyak ka rito kay Gloria.”

May pa-suspense pa, eh, ano ba ‘yun pangungulit namin kay Ibyang? “Nakakaawa si Gloria kasi mapupu-poo na siya ng hindi niya alam at si Andrei (Matt Evans) ang magpupunas sa kanya.”

Hala, noong napa-ihi si Gloria ay naawa na kami at tapos heto madudumi pa siya?

Mahirap pala talaga ang may Alzheimer’s disease na ipinagpapasalamat namin at hindi naranasan ito ng magulang namin kaya saludo kami sa mga anak na talagang matiyagang nag-aalaga sa mga magulang nila.

Malapit na ang kasal nina Gloria at Peter (Nonie Buencamino), ang tanong, tanda pa kaya ng una kung sino ang pakakasalan niya at ano ang isasagot niya sa pari?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …